Dahil sa naging sagutan nila kanina ni Annika nasira tuloy ang maganda sana nilang araw na magkasama sila sa yate. Kaya naman para makabawi sa dalaga, nagpahanda siya ng romantic dinner sa yate. Nais niyang gawin kay Annika ang hindi kayang gawin ni Rico rito. Nais niyang ipa experience kay Annika kung paano ito dapat tratuhin na alam niyang hindi nagagawa ni Rico sa dalaga. Nararamdaman niyang konting lambing na lang kay Annika mahuhulog na ang loob nito sa kanya, at iyon ang gusto niyang mangyari sa dalaga. Dahil hindi na niya hahayaan pang makalapit si Rico kay Annika. Sa ginawang pagsuko ni Annika sa katawan nito sa kanya, ay hindi na niya nanaisin na may iba pang makaangkin sa katawan nito. As long as gusto niyang makasiping si Annika, gagawin niya ang lahat para hindi ito makalapit