"It's Georgina's birthday at sa Saavedra Hotel gaganapin ang birthday niya," saad ng kanyang amang si Gavin Saavedra nang tawagan siya nito para ipaalala ang kaarawan ng kanyang pinsan. "Yes, Papa, I know it's Georgie's birthday, may tinatapos lang po ako sandali and after that deretso na po ako sa hotel," tugon niya sa ama. "That's good, Garreth. I'l see you there," saad ng ama sa kanya. "Yes po, Papa," tugon naman niya at nagpaalam na sa ama. Dahil na rin sa ilang araw na siyang naka stay sa company kung saan nagtatrabaho si Annika, kaya kinailangan niyang magtungo sa iba niyang branch para tignan ang ano mang kailangan. Masyado siyang focus kay Annika, dahil nais niya itong makilala pa ng husto. Before hindi naman siya interesado kay Annika. But, after niyang malaman na isa itong a