Kinabukasan pag gising niya masakit na masakit ang buong katawan niya. Masyado kasi silang nag enjoy ni Garreth sa party nila sa may swimming pool. Nabitin pa nga sila kaya umabot pa hanggang sa silid nila ang party. Kaya naman halos hindi na siya makatayo sa sakit ng kanyang katawan. "Good morning, sweetheart," bati ni Garreth sa kanya na nakahiga pa rin sa tabi niya pinulupot pa nito ang kamay sa bewang niya. "Mahiga ka muna maaga pa," sabi pa nito sa kanya. "Tanghali na po,' she said at hinaplos ang gwapong mukha nito. "Ngayon ang punta natin sa Saavedra Island hindi ba?" Sabi pa niya baka nakalimutan na kasi nito sa sobrang nasarapan sa celebration nila kagabi. "Ah....Yeah, we need to go there today. Ngayon ang punta ng mga pinsan ko sa isla," tugon nito sa kanya. "Bumangon ka na

