"Bakit ka naman nagpunta sa bahay namin ng walang pasabi?' Tanong sa kanya ni Annika nang maiwan silang dalawa sa mesa with beer. "Kailangan ko pa bang ipagpaalam pati ang pagdalaw ko sa bahay niyo?' He asked. "Hindi naman sa ganon. Like what happened wala ako sa bahay," Annika said. "Ayos lang iyon, andoon naman ang parents mo, kahit papano may nakausap ako,' tugon niya at sumimsim ng alak sa baso. "Saan ka ba nagpunta?' Tanong niya nang hindi na makatiis. Wala kasing sinabi ang Mommy nito kung saan ito nagtungo. And may kutob siyang nakipagkita si Annika kay Rico. Kanina pa rin kasi nagbibigay ng update sa kanya si Andrea kung dumating na nga si Annika. Wala siyang balak maki party kung wala naman si Annika. Kaya alam niyang late na rin dumating si Annika. "May inasikaso lang," tugo

