Kinabukasan pagdating sa opisina pinagtitinginan siya ng mga katrabaho niya. Marahil dahil nakita siya ng mga ito ang pagbabangayan nila ng Kuya Simon niya sa lobby. Hindi na lang niya pinatulan ang makahulugan tingin ng ilan sa kanya at nagtuloy na siya sa desk niya nang harangina naman siya ng Andrea at hilahin sa braso. "Halika ka nga dito Annika," saad ng katrabaho at hinila siya nito sa may mismong desk niya. "Bakit?' Nagtatakang tanong niya at namataan niya ang isang malaking bouquet na halos sumakop sa buong desk niya. Tulips ang bulaklak na nasa bouquet kilalang mahal na bulaklak ang mga iyon. "See that?" Andrea said. "Kanino iyan?" Nagtatakang tanong niya at sinulyapan si Andrea. "Gagi sa iyo iyan, kaya nga nasa desk mo eh," tugon naman nito. "Kanino naman galing iyan?" Kun