Nagulat na lang siya nang biglang dumating sa cabin ang dalawang staff ni Garreth na siyang mag-aayos daw sa kanya. Nabanggit ni Garreth na may romantic dinner daw silang dalawa sa may upper deck ng yate. Kung saan sila nag meryenda nito kanina, na nauwi sa bangayan at nahulog pa sila sa may swimming pool. Hindi doon natapos ang bangayan nila. Umabot pa kasi hanggang cabin ang pag-aaway nila. Buong akala pa niya ay tutuluyan siyang gagamitan ng dahas ni Garreth. Buti na lang at kumalma ang binata. Iyon nga lang sa sobrang kalma nito, bumigay naman siya rito, bagay na nakakainis. Inis na inis siya sa kanyang sarili. "Ano iyan?" Tanong niya sa bitbit na box ng mga ito na pinatong sa may kama kung saan siya dalawang beses ng inangkin ni Garreth. Nanlaki pa ang mga mata niya nang mapansin ang