Kinagabihan nag ready na sila ni Garreth para sa birthday party ng uncle ni Garreth. Ngayong gabi mami-meet na niya ang lahat ng Saavedra, kaya medyo kabado siya dahil mga bilyonaryo ang makakasalamuha niya. Kaswal lang naman ang party kaya nagsuot na lang siya ng kumportable siya pero elegante pa rin namang tignan, lalo na't tiyak na nanggagandahan ang mga babaeng pinsan ni Garreth sa party, at syempre si Olivia pa. Kahit nasabihan na siya ni Garreth na huwag magselos kay Olivia, hindi pa rin niya maiwasan na isipin at magselos kay Olivia. Although pinaramdam naman na sa kanya ni Garreth na mahal na mahal na siya nito. Sana na nga lang huwag ng umiral ang pagiging selosa niya para hindi na silang pag awayan at maging problema pa ni Garreth. Sana kumalma lang siya mamaya at huwag ng ma i

