Kanina pa siya nakatitig sa kisame ng bathroom kung nasa nakababad ang hubas niyang katawan sa bathtub. Iniisip kasi niya kung paano nangyaring sa buong araw eh wala na silang ginawa ni Garreth kundi ang maghalikan ng maghalikan. At ayaw man niyang aminin, pero nag enjoy siya at gusto pa niyang maulit pa muli. "Bad sign ito,' bulong niya. Nalulungkot siya para kay Rico, dahil nadadala siya sa mga ginagawa sa kanya nu Garreth, which is mali iyon, dahil may boyfriend siya. Hindi nga niya alam kung ok pa si Rico o ano, tapos siya nagpapakasaya sa piling ng ibang lalake. "Mali ito, Annika! Mali ang mag enjoy ka piling ni Garreth! You have Rico. Siya ang mahal mo,' kumbinsi niya sa sarili. Hindi nga niya alam kung ano nga ba ang nangyayari sa kanya at isang araw palang siya sa isla na kasam