Hindi naman sita nahirapan hanapin si Grey pagpasok palang niya sa loob ng bar bumungad ito sa kanya. Nasa may bar kasi ito at umiinom mag-isa. Humugot siya ng malalim na paghinga, hindi para ikama ang sarali niya. Hindi siya kakalma kay Grey, ipapakita niya kung sino talaga siya sa pinsan, para alam nito kung sino ang kinakalaban nito. Taas ang mukha niyang lumakad palapit sa may bar. At nang makalapit hindi pa siya napapansin ni Grey patuloy ito sa pag inom. Pumuwesto siya sa isa silya ang layo mula kay Grey at sumensyas ng hard drink sa bantender. Saka naman napalingon sa kanya si Grey na saktong nasa bibig pa nito ang kopita. Nabitin pa sa ere ang pag inom nito nang magtama ang kanilang mga mata. "Garreth,' tawag nito sa kanya at binaba ang hawak nitong kopita. Siya namang dating n

