Sa mga sumunod na araw naging abala na sila ni Annika sa pag-aayos ng kanilang kasal. Nalalapit na ang pag-iisang dibdib nila ni Annika kaya naman busy na sila. Nais niyang ibigay ang pinaka magandang kasal kay Annika. Deserve nito ang bonggang kasal, dahil nagmamahalan sila at binigyan na siya nito ng anak at soon magkakasama na nila ang kanilang first child. Hindi pa nila na a-announce sa kani-kanilang pamilya na buntis na si Annika at balak nilang gawin iyon ni Annika, sa araw mismo ng kanilang kasal, para ma surprise na rin ang kanilang mga pamilya. "Sobra pala talaga sa kapasaway iyang si Grey, " sabi ng Mama niya nang dumeretso sila sa restaurant para kumain, matapos ang meeting nila sa wedding coordinator nila. Ang mga damit na isusuot kasi nila ni Annika sa kasal eh pinagawa pa ng

