Point of view - Mikaela Sandoval - Tila naglalagari ang aking paa dahil sa pabalik-balik kong paglalakad rito sa labas ng private room ni Lenard. Hindi ako mapakali sa paghihintay at sunod-sunod ang panginginig ng aking kamay. Hanggang sa maya-maya lang, dumating si mommy sa ospital. "Kumusta? Anong nangyari?" bungad na tanong sa akin ng aking ina. "Ma, si Lenard. Bigla na lang nanginig ang katawan niya," wika ko. Doon na nagsimulang pumatak muli ang luha sa aking mga mata. Para akong bata na mahigpit na yumakap sa aking ina at sunod-sunod na humikbi. Naramdaman ko pa ang paghaplos ni mommy sa aking likod upang mawala ang pagkabahala at lungkot na nararamdaman ko. "Tahan na. May awa ang Diyos, sigurdadong gagaling siya, Mikay," pagpapalubag loob sa akin ni mommy. Kahit paano, sa ka

