Point of view - Mikaela Sandoval - Ilang araw matapos ang aming opisyal na pagpapakilala. Nagsimula na rin akong bumalik sa eskwela. At dahil pag-aari na ni mommy ang Belmonte University, doon ko pa rin piniling mag-aral. Mabuti na ang ganoon dahil matagal ko nang nais makita ang mga taong nang hamak sa akin noon. Nasasabik na rin akong makabalik sa eskwela. *** Sa pagmulat ng aking mata ngayong umaga, marahan akong umupo at sinandal ang aking likod sa malambot na headboard ng aking kama. Nilibot ko aking paningin sa magandang kwarto kung saan ako naroroon. Ang puting bedsheet ng king-sized bed na aking kinaroroonan ay malambot at nagtataglay ng mabangong amoy. May apat na bracket ang humahaligi sa kama na nagsisilbing lagayan ng canopy. Hindi kalayuan sa direksyon ng aking paahan, na