Point of view - Mikaela Sandoval - Malakas na hiyawan ang bumalot sa paligid. Sunod-sunod ang tili ng mga tao habang ang mga naglalaro sa loob ng basketball court ay patuloy na naglalaban para sa tropeyo. Sa bawat pag-dribble at pag-shoot ng bola sa ring, animoy mababangis na hayop ang mga tao sa loob ng isang coliseum dito sa isang lugar sa cubao. "Hindi ko akalaing mapapanood ko ang game na ito, Mikay!" pasigaw na wika ni Prince sa akin, halos hindi ko siya marinig sa ingay ng mga tao sa paligid. "Salamat talaga, sobra!" muli niyang wika. "Walang ano man, Prince," tugon ko saka nagbigay ng ngiti sa kanya. Kasalukuyan kaming nanonood ng basketball game sa may A. Coliseum sa Cubao. Ang mga naglalaro ay ang paboritong team ni Prince, kaya ganoon na lang siya kasaya ngayon. "Three poin