Point of view - Mikaela Sandoval - Sinimulan kong ihakbang ang aking paa sa entablado. Matapos rumampa ang ibang kandidato, sunod na tinawag ang aking pangalan sa kategorya ng best in dresses. Suot ang isang comfy dark blue dress, deep V-neck black noir, high slit long dress na halos abot na ang sahig, elegante ko itong nilakad sa malawak na entablado. Full wavy touching my right shoulder ang ginawa nilang ayos sa aking buhok. May kaunting red highlights sa itaas upang ma-emphasize ang body nito. Sunod-sunod ang pagkuha ng litrato sa akin ng mga media habang patuloy akong lumalakad. Tinatawag nilang platform stage ang lugar na aming nilalakaran, katulad ng mga nakikita sa auditorium or theater hall kung saan ang mga audience ay nakaupo sa harapan facing in front the stage, nakadaragd

