Chapter 30

1094 Words

Point of view - Prince Chester Alimond - Kahit anong ikot ang aking gawin sa kama, hindi ko makuha ang tulog na hinahanap ko. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mata, mukha ni Mikay ang aking nakikita. Tila isang multo ang mukha ng babaeng iyon at paulit-ulit kong nakikita. Kahit nais kong iwasan ang isipin siya, naririnig ko ang tinig niya sa aking tainga. Nababaliw na ba ako? Minumulto ba ako ng nakaraan? Ayokong isipin ang bagay na sa tingin ko ay nararamdaman ko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala. "Aaaargh!" sigaw ko saka marahas na umupo sa kama. Sinandal ko ang aking likod sa headboard, saka malumanay na hinagod ang aking sentido. Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit kanina mo pa iniisip ang babaeng iyon? bulyaw ko sa sarili. Ang totoo, planado na namin ni Patty

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD