Point of view - Lenard James Samonte - Gabi na nang makarating ako sa ospital. Naka-schedule ako upang muling i-scan ang aking ulo dahil sa nakita ng doktor noon sa akin. Noong una ay hindi ako naniniwala sa kanyang sinabi sa akin o baka ayoko lang talaga itong paniwalaan. Ramdam ko na malakas ang aking katawan at hindi ko man lang naisip na darating ang panahon na tuluyan akong magkakasakit. Noon ko nalaman na talagang mapaglaro ang tadhana. Kung malakas ka ngayon, darating ang araw na tuluyan ka ring manghihina. Ang totoo wala naman akong nararamdaman, ngunit napansin ko lang na unti-unting nagbabago ang aking paningin at kung minsan, may kung anong bagay ang nawawala sa aking pandinig. Ito ay noong panahong kami pa ni Mikay, ilang buwan bago ang graduation. Nagdesis

