HARPER NAALIMPUNGATAN ako dahil sa masarap na amoy ng kape na pumapailanlang sa buong silid. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at agad akong sinalubong nang mataas na sikat ng araw. Wala na ang bakas nang malakas na ulan kagabi. Marahan kong iniinat ang aking mga braso kasabay nang pagtuwid ng aking mga binti. Ngunit hindi ko pa man lubusang naidederetso ang aking mga binti ay napaingit na ako dahil sa kirot na bumabalatay sa aking katawan mula sa pagitan ng aking mga hita. "Fck!" malakas akong napamura. "Don't move," turan ng isang baritonong tinig. "Easy for you to say," masungit kong turan bago matalim itong inirapan. Nakangiti itong lumapit bitbit ang isang tray ng pagkain bago inilapag iyon sa maliit na lamesa sa may gilid ng kama. "Here, let me check," wika nito matapos