CHAPTER 4

1154 Words
*Trisha* Pagkauwi niya sa kanilang bahay nagkakagulo ang mga katulong nila. "Senyorita trisha,buti dumating kana saan kaba galing?tanong ng mayordoma nila sa kanya. "Bakit manang anong nagyari? Kinakabahang tanong niya dito. "Ang daddy mo isinugod sa hospital inataki na naman sa puso" .naiiyak nitong kwengo sa kanya. Bigla na lamang siyang nanigas sa kinatatayuan niya ng marinig ang sinabi ng mayordoma nila. Kung hindi pa siya tinapik hindi pa siya bumalik sa katinuan. "Manang saang hospital dinala ang daddy ko? Tanong niya ulit ng mahimasmasan ito. "Sa Fuentebella hospital senyorita dalian muna baka hindi mo abutan ang ama mo!. Nang marinig yun dali-dali siyang sumakay sa kotse niya kahit naginginig pilit niyang nilalakasan ang loob niya.. Bakit inataki si daddy ano nangyari dito? Nang makarating siya ng hospital.Dumeretso siya ng information para ipagtanong ang kwarto ng daddy niya. "Miss saang room ang pasyenteng si Mr.Abelardo?kaagad niyang tanong sa reception area ng hospital. "Maam nasa ICU  pa siya inoobserbahan malala po kasi ang pag ataki sa kanya..sagot ng nurse sa kanya. "Salamat miss tumakbo na agad siya papuntang ICU. Naabutan pa niya ang mommy Angela niya na umiiyak sa labas. "Mommy among nagyari kay daddy? Pero sampal ang inabot niya dito.. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit naospital amg daddy mo dahil sa kalandian mo? Galit mitong sabi sa kanya. Napaiyak na lamang siya sa narinig alam na niya kung bakit may sinabi na si Trina sa daddy niya kaya ito inataki.. Napahagulgol na lamang siya sa sarili alam niyang kasalanan niya ito kung anong mangyari sa daddy niya. Pag may masamang mangyari sa daddy mo hindi kita mapapatawad Trisha..galit pa ring sabi ng mommy Angela niya. Nang lumabas ang doctor kinausap na siya nito na malubha ang pagka ataki dito dahil pangatlong beses na ito. "Doc pwde ko bang makita ang daddy ko? Iyak niyang sabi sa doctor. Cge iha! Pasok kana. pagpayag ng doctor sa kanya. Agad siyang pumasok dito nakita niya itong maraming nakakabit na mga aparato dito Awang-awa siya sa itsura ng daddy niya ito na lamang ang natitira niyang nagmamahal sa kanya pero baka mawala pa ito paano na siya mag isa na lamang siya hindi niya kakayanin. Daddy,lapit niya dito kahit pigilan niya ang mga luha kusa lang itong nag uunahan sa pagpatak at hindi mapigilan.. Daddy ,please wake up lumaban ka dad,wag mo akong iiwan ikaw na lang ang nagmamahal sakin wala na din si mommy please dad wake up..pagmamakaawa niya dito na hilam na sa luha ang mukha niya. Hawak niya ang mga kamay nito ayaw niyang bitawan baka bigla na lang mawala ito sa kanya. Naramdan niyang may pumisil dito kaya napatingin siya dito at dilat na ang mga mata nito.. Gising na ang daddy niya Dad please pagaling kana iyak pa rin niyang sbi. "Trish mahal na mahal kita baby kami ng mommy mo..putol-putol nitong sabi sa kanya. "Daddy please magpahinga ka muna tagawagin ko lang ang doctor." Ngunit pinigilan siya ng daddy niya."Magpakatatag ka anak pag wala na si daddy tandaan mo mahal na mahal ka namin patawarin mo si daddy.." "No!dad please dont say that mahal na mahal din kita wag moko iiwan daddy please.."umiyak na siya ng todo. Nang biglang tumunog ang aparato nito na naging isang linya na.. "Daddy,daddy ko please wag mokong Iwan hiyaw na niya dito saka nagdatingan na ang mga docror para erivive ito ngunit wala na iniwan na siya ng daddy niya... Maglupasay man siya wala na siyang magagawa patay na ang daddy niya at iniwan na siya mag isa na lang siya paano na siya.. "What did you do trisha? Ikaw ang may kasalanan nito pinatay mo ang daddy mo"..paninisi pa sa kanya ng mommy angela niya. "No,mommy its not my fault",,sagot niya dito.. "Dont call me mommy your not my daughter si Trina lang ang anak ko'..mamatay tao ka sigaw na nito sa kanya at sinampal pa siya." Napigilan lamang ito ng dumating ang doctor na nag aasikaso sa daddy niya. "Mrs.Abelardo dadalhin na sa morgue ang bangkay ni Mr.Abelardo"..pakiasikaso na lamang po duon. Nanlulumo na lamang siya talagang iniwan na siya ng ama niya.Lupaypay na ang katawan niya buti na lang nadaluhan siya ng yaya niyang dumating hinihingal pa ito ng makita siya. "Anak,magpakakatatag ka andito pa ako hindi kita iiwan"...halika kana ayusin na natin ang bangkay ng daddy mo. Sumunod siya dito na gulong gulo ang isip at sobrang mugto ang mga mata. "Yaya,paano na ako mag isa na lang ako iniwan na rin ako ng daddy ko"..iyak pa rin niya dito. "Anak,andito ako para sayo wag mong kalimutan yan"..niyakap na siya nito "Salamat yaya,sana wag mo rin akong iiwan.. "Hindi anak,wag mo isipin yun..o siya halika kana puntahan na natin ang daddy mo..hila na nito sa kanya patungong morgue. Tatlong araw na rin ang lumipas mula ng ilibing ang daddy niya hindi na niya pinatagal pa ang burol dahil wala nman silang mga kamag anak halos nasa ibang bansa na kaya pinalibing na niya ito agad. "Senyorita Trisha,nasa library na po si Attorney at ang mommy mo hinihintay kana nila.,sabi ng katulong sa kanya. "Sige,annie pakisabi susunod na ako..utos niya dito. Ngaun na sasabihin ng Attorney nila ang last will and testament ng daddy niya..Kaya dumeretso na siya sa library para makausap ito. "Iha,maupo kana para mabasa kuna ang huling habilin ng ama mo.. Iniabot sa kanya ng Abogado ang isang sobre na nglalaman ng sulat ng ama. Mahal kong Trisha, Kung mababasa mo ito alam kong wala na ako sa mundong ito.Anak mahal na mahal kita pero may mga bagay na dapat isakripisyo para sa kapakanan mo. Im sorry anak,kung hindi ko natupad ang pangako ko sayo na hindi kita iiwan. Alam kong matatag ka at kaya mo ang sarili mo.Tutulungan ka ng Mommy mo at ate Trina mo sa pagpapalakad ng ating mga negosyo. Habang hindi kapa umabot sa edad na 23 ang makukuha mo ay 5 milyon lamang. Si attorney na ang bahala sa lahat anak. Mahal na mahal kita. Daddy Hindi siya makapaniwala na ipagkatiwala ng daddy niya sa Mommy Angela at Trina ang lahat ng ari-arian nila. Nakikita niyang lumiwanag ang mukha ng Ina Inahan niya ng malaman ito. Wala na siya magagawa dahil yun ang nakasaad sa sulat ng ama. Iha,sa ngaun sila muna ang magpapalakad ng lahat ng ari-arian niyo dahil hindi mo pa kaya itong mapangasiwaan.Pero ang 5 milyon ededeposit na ito kaagad sa account mo.Pirmahan mo na lamang ito para mailipat sa  kanila ang pagpapalakad ng kompanya niyo. Pagpapaliwanag pa ng abogado sa kanya. Kaagad nman niyang pinirmahan ito na hindi na binasa kung ano man ang nakasulat duon.Dahil hilam nasa luha ang mga mata niya. O,paano iha maiiwan na kita aasikasuhin ko pa itong mga papeles para maisaayos na lahat ..pagpapaalam na sa kanya ng abogado nila. Kaya ng makaalis ito nagulat na lamang siyang makita na masayang masayang ang itsura ng mommy niya.Tuwang -tuwa ito samantalang siya gulong gulo ang isip..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD