*Xander* Pag kapasok pa lang ng bahay nila dali-dali niyang hinanap si Trisha, nakasalubong na niya ang isang kasambahay kaya tinanong na niya kung saan ito. "Asan ang senyorita niyo? tanong niya dito.. "Nasa kwarto po Senyorito,pagkatapos niyang manuod ng tv nagpaalam na itong matutulog muna..sagot nito. Pag kaalam niya agad niyang pinuntahan ito sa kwarto nila at tingnan nag alala pa rin siya kanina sa nangyari. Pagkabukas niya pintuan nakita niyang nakahiga ito sa kama at nakatalikod sa kanya banda.. Nilapitan niya ito ng dahan-dahan at tumabi dito.Hinalikan pa niya ito sa noo at hinaplos ang buhok nito..Para itong isang anghel napakaamo ng mukha nito. Tila naramdaman nitong may humahaplos sa kanya kaya kaagad itong nagmulat ng mata na mukhang natakot pa ng makitang siya iyon naw