*Xander* Pati mga kaibigan niya nadamay pa sa paglilihi ni Trisha.. Saan nga nman sila hahanap ng durian na walang amoy buti na lang at nag iba ang isip nito at ayaw na ng durian kaya nakahinga silang magkakaibigan kung saan hahanap nito. Kahit mahirap masaya siyang pagsilbihan ito lalo nat para sa kanyang mga anak ito. Maaga siyang nagising para ipagluto ito ng almusal bago siya pumasok ng opisina gusto niyang siya ang nag aasikaso dito.. Kaya ng makapagluto binalikan niya ito sa kwarto at gigisingin para kumain.. Himbing na himbing pa rin ang tulog nito na animoy anghel na bumaba sa lupa..Hinalikan niya ito sa toktok ng ulo kaya parang naalimpungatan ito.. "Baby,gising na mag aalmusal kana? "Hmmm..mamaya na antok pa ako nakapikit pang sabi nito.. Kaya napangiti na lang siya.. "