Pumayag ako na mag-usap kami ni Daniel magkasama kaming nagtungo sa flower farm. Noon ko lang napansin na abot-tanaw sa right side ng farm ang mausoleum ni Jana. "Kailangan mong sabihin sa akin ang totoo, Daniel. Sino ka ba talaga? At bakit mo nagawang magsinungaling sa akin?" sunod-sunod kong tanong dito. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Daniel. "Six years ago nakilala ko si Jana. Noong una hindi kami nagkikibuan dahil ayokong madamay siya sa galit ko kay Ram at sa Papa naming dalawa. Dumanas ako ng matinding hirap, Openg. Lahat ng mga sakit tiniis ko, namasukan ako sa kahit na anong trabaho para lamang sa aking Mama. Hindi ko ipagkakaila na ang Mama ko ay isang bayarang babae. Nang malaman niya na buntis siya ay kusa niya akong inilayo sa sarili kong ama. Inalagaan niya ako, pinag-a