Habang palabas ako sa elevator ay nakita ko mula sa may lobby na naglalaro ang aking anak na si Rux. Kasama nito ang yaya nito, mabilis kong nilapitan ang anak ko. Nakasunod sa akin si Amanda. Ipinahawak ko sa kaniya ang bag ko at nilapitan ang aking anak. Nagulat ang yaya nito nang makita ako at mabilis nitong inilayo sa akin si Rux. "Ma'am Penelope, baka mapagalitan po ako ni Donya Margaret. Ang bilin po niya ay huwag na huwag kong ipapalapit sa inyo si Rux," mahinang sabi ng yaya ni Rux. Alam kong takot lang itong mapagalitan ng matandang iyon. "Please... kahit sandali lang." Mula sa likuran ng yaya ay sumilip si Rux. Hanggang bewang na niya ang taas ng kaniyang anak. May hawak itong robot, at ang robot na iyon ang binili ni Ram para sa akin. Maluha-luhang akong tumingin sa aking an