Nang matapos ang meeting ko kay Dante ay nagtungo ako sa café kung saan magkikita kami roon ni Ram. Ngunit nabigo akong hintayin doon si Ram dahil bigla itong tumawag sa akin na hindi nito maiwan si Jewel. Naiintindihan ko si Ram dahil iniisip nito ang kapakanan ng magiging baby nito kay Jewel. Hindi ko inakala na sinundan ako ni Dante sa café na pinuntahan ko. "Hinihintay mo ba rito ang kapatid ko? Ibang klase ka talaga, Penelope." Umiling-iling si Dante habang nakatingin sa akin. "Ano pa bang gusto mo? May posisyon ko na sa company namin, asawa ka ni Angelo Leigh at nasa iyo na si Rux. Gusto mo pa rin bang makihati kay Jewel?" insultong tanong sa akin ni Dante. "Hindi ako nandito para hintayin si Ram, Dante. May importante akong hinihintay dito kaya nandito ako." Tumawa si Dante sa s