Sa pinakamalapit na hospital namin itinakbo si Jewel. Sobrang pag-aalala ko sa baby na dinadala nito. Wala itong kasalanan kaya hindi dapat ito madamay sa kung anumang galit ko kay Jewel. Kinakusap ako ng doctora na tumingin kay Jewel. Natutulog si Jewel sa hospital bed dahil bigla itong nahimatay kanina. "Okay siya, wala kang dapat na ipag-alala. Kapatid mo ba siya o kaibigan?" tanong sa akin ni doctora. Umiling ako at tumingin kay Jewel. "Kakilala ko lang, doc. Okay na po ba ang baby niya?" nag-aalalang tanong ko. "Mabuti na ang lagay ng baby niya. Nagkaroon lang ng complications ang first semester nang pagbubuntis niya. Pero okay na sila ng baby, mas mabuti kung matawagan ang asawa niya." Bumibilis ang t***k ng aking puso habang sinasabi iyon ni doctora. Pakiramdam ko maraming mga