Ilang araw ang nakakaraan mula noong huli kaming magkita ni Ram. At ito ngayon ang araw ng kasal niya at imbitado ako. Pinadalhan ako ni Jewel ng wedding invitation kaugnay ng kasal nila. Isang garden wedding ang magaganap sa mansion ng mga Salazar. Doon ang venue ng kasal namin noon ni Ram, parang sinadya ng tadhana na ipaalala sa akin kung gaano ako katanga pagdating sa pag-ibig. Hindi ako pupunta sa kasal nina Jewel at Ram. Naisip ko na magkaroon ng oras para sa aking anak at sa lalaking mahal ko. Naghahanda ako ngayon para sa aming pag-alis. Susurpresahin ko si Daniel at pupunta kami nina Salve sa Manila. May inaasikaso raw doon si Daniel at sa hotel siya ngayon tumutuloy. Binigay niya sa akin ang address pati na rin ang hotel room number nito. Itinapon ko sa basurahan ang invitation