Chapter 30 CLAIRE'S POV "Bwisit! Talagang babaeng iyon!" Pabagsak kong nilagay sa kama ang hawak kong purse, "ughh!" Frustrated kong asik at naka-sunod naman sa likuran ko si Chase. Hindi na maipinta ang galit sa mukha ko sa sandaling iyon sa ginawa sa akin ni Rhea. Walang hiya siya! Nagawa niya talaga na takutin ako? Pwes! Hindi ako mag papatalo sakaniya. Nabuntongan ko naman ng galit si Chase na dumako sa wardrobe para mag palit nang damit. Kahit tahimik ito, hindi ko pa rin mapigilan na mainis din sakaniya. "Ano iyon, Chase?" Gusto ko talagang awayin siya ngayon dahil naiinis na ako! "What?" Bored nitong tanong at inaalis ang tie. "What talaga? Ganun na lang ba iyon? Iyon na ang atake mo?" Uminit na ang mag kabilang pisngi ko sa inis. "Hindi ko maintindihan kong ano na naman