Chapter 51 RHEA’S POV “C-Chase?” Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya nang buong higpit at ikulong sa aking bisig. Hindi niya alam kong gaano ako kasaya ngayon, na nag kamalay na siya. Salamat sa panginoon at tinupad niya ang kahilingan ko; na magising na si Chase. Dumating na ang doctor at nurse para tignan at suriin ang kalagayan ngayon ni Chase. Nanatili lamang ako sa tabi; pinapanuod ang ginagawang test sakaniya. Tinawagan ko na rin si Tito Ferdie at Cedric, para ipalita sakanila na nag kamalay na si Chase, dali-dali naman ang mga ito na puntahan si Chase sa hospital, sabik sa balitang kanilang nabalitaan. Nang matapos na ang sinagawang test sakaniya ng mga doktor; sinabi nito na maayos na ang kalagayan ni Chase. Kailangan na lang manatili ng ilang araw para mag paga