Chapter 3

2875 Words
RHEA’S POV "Good morning Bikoy" bati ni Rhea sa anak. Kusot-matang nag lakad sa malawak na dining si Andrius. Suot ang ternong pajama na blue, magulo ang buhok na halatang kakagising lamang nito. "Ts. Mommy!" Saway nito saakin, at bakas ang irita sa mukha nito. Ayaw na ayaw din kasi ni Andrius na tinatawag ko siyang bikoy. "Bakit?" Sinimanggutan na lamang ako. "Hindi naman masama na tawagin kitang Bikoy, dahil baby pa rin naman kita. Right, Bikoy?" Kinaugalian ni Rhea na inisin ang anak na tawagin na Babyko, short for "Bikoy" at ayaw na ayaw ni Andrius na tinatawag ko siya nang ganun. Parati niya kasing pina-paalala sa akin na hindi huwag ko na daw siyang bini-baby dahil big boy na daw siya. Paminsan, natutuwa ako sa tuwing siya'y naiinis sa akin. Ang sarap niya kasi paminsan panggigilan. Hindi na kumibo si Andrius, pinili na lang maupo sa bakanteng silya. Sa lamesa naka-arrange na rin ng kutsara, pinggan at baso. May hinanda na rin si Rhea na sinanggad, egg, bacon, hotdog at tinimplang gatas pareho sakanilang dalawa. Sinakto talaga ni Rhea na okupado ang atensyon ang anak, bago niya nilabas ang handog na surpresa para dito. "Happy 5th Birthday, Andrius!" Hawak ni Rhea ang plato na hinanda niyang pancake na ginawa para sa espisyal na araw na ito. May chocolate syrup sa ibabaw nang pancake at nag lagay pa si Rhea na malilit na kandila sa ibabaw. Hindi man gaanong ka bongga ang birthday ng kaniyang anak, pero masaya na si Rhea na makita lamang itong masaya sa espisyal na araw nito. Umaliwalas ang mukha ng bata, na makita ang kandila na may sindi. Hindi maalis sa mukha ni Andrius ang saya, ngiti sa labi. Nilapag ni Rhea ang cake sa harapan nito. "Wow, naalala mo ang birthday ko. Thanks Mommy, you're the best!" Niyakap nang mahigpit ako ni Andrius at sinuklian niya naman iyon. "Anything, just for you sweetheart.” Kumalas na ako sa pag kakayakap naming dalawa at tumabi sakaniya. "Now blow your candle now Bikoy and make a wish.”Maluha-luha ang mata nito na naka-pako ang tingin sa pancake. Pinag-dikit ni Andrius ang palad at pinikit ang mata na para bang nag dadasal. Matapos mag wish, minulat niya ang mata at sabay na hipan ang kandila. ******* "Saan ko ilalagay itong ginawa kong lumpia?" napalingon na lamang ako sa kaibigan ko na ngayon hawak nito ang plato lamang lumpia na ginawa niya, para birthday ni Andrius. Nag imbita din si Rhea nang ilan sa mga kaibigan at kaklase ng anak ko dahil may konti din kaming inihanda ni Jenny para mamaya. Hindi na ako naghanap pa ng katulong sa pag luto ng mga handang pagkain at pag decorate sa living room ng mga kong-ano pa, dahil kaya ko naman nilang dalawa iyon gawin. Sa tulong ni Jenny, tinulungan siya nito sa pag hahanda at pag-luluto ng ilang putahe. "Ilagay mo na muna iyan sa tabi,Jenny.” Nilagay ni Rhea ang ginawang fruit salad sa fridge. Sunod naman tinuonan ng atensyon ni Rhea ang pag-hihiwa nang mga rekado na dapat niya pang lulutuin. Lumapit si Jenny at pinapanuod lamang ako sa pag hihiwa. "Kamusta na kaya si Claire, ano?" Nahinto si Rhea sa pag chop ng rekado na banggitin iyon ni Jenny. Kahit si Rhea, hindi alam kong asan na ang kaibigan. Kumusta kana Claire? Si Claire ang matalik kong kaibigan. Ang ex-gilfriend ni Chase: "Hindi ko alam Jenny, matagal ko na din siya, huling nakita." Sa tuwing naalala ni Rhea ang pang-yayari, hindi ko mapigilan na masaktan para sa kaibigan ko. Flashback 6years ago "M-Mag papaliwanag ako C-Claire, please." Sinusundan ni Rhea ang kaibigan, at ang mata nito’y umaapoy sa galit. "K-Kausapin mo ako Claire, please.” Hahawakan sana ni Rhea ang kamay nang kaibigan, ng iritado nitong tinabig ang kamay ko na para bang diring-diri ito sa akin. Naiyak pa lalo si Rhea na ngayon walang bahid na emosyon ang mga mata nito. Kasalanan ko ito. Sinaktan ko ang kaisa-isang bestfriend ko. "Talk?” Uyam na asik nito. "Sa tingin mo kakausapin ko pa ang isang klaseng dukha at traydor na katulad mo? How could you do this to me , Rhea? Ahas ka! Mang aagaw ka!" lahat ng maanghang na binitiwan nitong salita sa akin, lahat iyon tumagos sa puso at pagkatao ko. "Ganun kana ba ka desperada para sulutin ang boyfriend ko at agawin siya saakin?! Huh? Sagutin mo ako Rhea!"Ang malakas nitong sigaw ang mag-paiyak sa akin. Sobrang hirap. Sobrang sakit. "H-Hindi. H-Hindi Claire.” Sabay iling.Hindi ko naman ginusto na mangyari ito. Hindi ko ginustong saktan siya nang ganito. Mahal ko siya, at masakit para sa akin na kamuhian niya ako. Nanatili na naka-tayo si Claire at ang mata bahid nang galit at panunuklam. Alam ko sa sarili ko, na hinding-hindi ko na maibabalik kong ano man ang samahan namin. Hindi niya na ako mapapatawad. Wala akong pakialam kong sumbatan at saktan niya man ako sa pag kakamaling nagawa ko. Titiisin ko lahat ng sakit at sakit na ibibigay niya sa akin. Handa naman akong tanggapin iyon, kong doon maalis ang galit niya. Kasalan ko, kong bakit nangyayari ang bagay na ito. Ako ang dahilan kong bakit siya umiiyak at nasasaktan. Ako ang dahilan kong bakit nag kahiwalay sila ni Chase. Ako ang dahilan kong bakit nasira ang magagandang plano nila sa isa't-isa. Kasalanan ko ang lahat! Kaya't dapat lang sa akin na harapin ang sakit, puot at panunumbat na ibigay nila sa akin. "Tinuring kitang kapatid ko Rhea, pero ano lahat nang ito?” Gumuhit ang sakit sa mata nito, na binibigkas ang katagang iyon. “Inagaw mo sa akin si Chase. Inagaw mo sa akin ang lalaking pinamamahal ko Rhea Sinira mo ang pag sasama namin! Sinira mo ang magandang plano naming dalawa.” Sigaw nito at napa-buwal na itong umiyak sa harapan ko. Napaka- bigat nang kaniyang dibdib na umiiyak din siya. Napaka- sakit, dahil ako ang dahilan kong bakit nasasaktan siya ngayon. "Sinira mo pati ang tiwala na binigay ko sa'yo Rhea, tinuring kitang kapatid tapos ikaw din pala ang mananakit sa akin.. Bakit ito ang sinukli mo sa akin? Bakit ginawa mo ito saakin? B-Bakit?!" Tumingala ako para pigilan na tumulo ang ng babadyang mga luha. "Nag tiwala ako sa'yo tapos ganitong sakit ang isusukli mo sa akin? Tapos ngayon mag-kakaanak pa kayong dalawa ni Chase. Ang sakit-sakit Rhea…Napaka-hayop niyo parehong dalawa! Mga walang-hiya!” Tinulak ako nito ng malakas–kasabay ang walang humpay na pag-agos ng aking mga luha. "I-I'm sorry. I'm so sorry." Iyan na lang ang paulit-ulit kong naiibigkas. "Hindi na babalik ng lintik mong sorry ang lahat-lahat nang ginawa mo, Rhea! Hinding hindi na!" Pinunasan ni Claire ang bakas na luha sa mata at galit na lumapit sa akin. "Kahit umiyak kapa ng dugo sa harapan ko, hinding hindi na kita mapapatawad Rhea. Mag sama kayong dalawa ni Chase sa impyerno, mga hayop kayo!” Tinalikuran na ako ni Claire at nag martsa na ito paalis. No. Huwag mo itong gawin sa akin Claire. "N-Nag mamakaawa ako sa’yo C-Claire," sa huling lakas ko, nagawa kong ihakbang ang paa ko para habulin lamang ito. Hinuli ko ang pulsuhan ni Claire. "P-Please Claire. Mag papaliwanag ako. Please hear me ou-" Hindi ko na natapos ang susunod kong sasabihin ng bigyan niya ako nang isang malakas at malutong na sampal na sanhi bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Napa- hawak ako sa aking pisngi, dinarama ko ang sakit at kirot ng pag kakasampal niya sa akin. Parang winasak at dinurog ang puso ko ng pauli-ulit ng makita ko ang walang emosyon at nanlilisik niyang mga mata sa galit. "Don't you dare touched me, you filthy b***h!" Inalis ni Claire ang kamay kong naka-hawak sakaniya. "Nakaka diri ka! Shame on you!" Mang uuyam nito akong tinignan mula ulo hanggang paa. Sinundan na lang ng tingin ni Rhea ang kaibigan hanggang mawala ito sa aking paningin. Kahit gusto ko man na sundin siya, kusa nang naka-pako ang aking mga paa sa sahig na hindi na ako maka-kilos at galaw. Gusto kong huminggi ng kapatawaran sakaniya, pero huli na ang lahat. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Claire, kinakain ako ng konsensya at sakit sa kasalanan na ginawa ko sakaniya. Malaki ang nagawa kong kasalanan, na kahit anong gawin ko hindi na maibabalik muli ang pag kakaibigan naming dalawa. Simula nung insidente na nangyari saaming dalawa. Walang araw na hindi ako umiiyak at humihinggi ng tawad sakaniya at sa mga taong nasaktan ko. Umaasa ako na mapapatawad at matatanggap niya muli ako, pero walang nangyari. Nong malaman ni Claire, na nag dadalantao ako at si Chase ang ama ng pinag bubuntis ko. Doon ko nakita na halos himatayin si Claire sa gulat at sama ng loob sa nangyari. Umiiyak siya nang walang humpay sa aking harapan. Sinubukan kong mag paliwanag sakaniya pero sarado na ang puso at isipan sa lahat ng paliwanag ko. Sa naging insidente, napag-sunduan ng mga magulang ni Chase na mag pakasal kaming dalawa para maiwasan ang kumakalat na mga issue tungkol sa nangyari. Bago paman kami ikasal ni Chase, wala na akong narinig pang balita pa kay Claire. Sa sabi-sabi ng mga ibang tao–labis itong naapektuhan sa nangyari at pinili na lang tumira sa America para mag bagong buhay. Sinubukan kong alamin kong saan naka- tira si Claire, pero sobra talagang mailap ang tadhana. Inalam ko din ang numero, f*******:, sss at mga mahalagang impormasyon para I-contact siya pero hanggang ngayon wala padin akong natatanggap na mensahe o reply mula sakaniya. Iniiwasan niya na mag karoon pa ng anumang ugnayan para sa akin. Hanggang ngayon umaasa pa din ako na balang araw mapapatawad niya ako. Mag kakausap kaming dalawa ni Claire. Pinitik ni Jenny ang kamay sa hangin na mabalik si Rhea sa realidad. "Hoy, tulala kana naman?"Panunuplada na naka-pamaywang sa harapan ko si Jenny. "I'm sorry. Saan na nga ba tayo?"Pinandilatan ako nito na hindi ako nakikinig. "Gaya ng sabi ko sa'yo anong plano mo? Darating ba mamaya si Chase sa birthday party ng anak mo?" "No," kahit na rin si Rhea hindi alam kong darating ba si Chase mamaya. "Hindi ko alam Jenny," "So, anong gagawin mo ngayon?" Anito. "Hindi mo pwedeng paasahin ang anak mo mamaya, Rhea. Sinabi mo pa naman kay Andrius na darating si Chase mamaya sa birthday niya. Paano mo ipapaliwanag sakaniya kapag hindi sumipot si Chase ha?” Sa totoo lang talaga hindi alam ni Rhea, kong darating si Chase sa birthday ni Andrius. Pag gising ko kaninang umaga, wala na sa tabi ko si Chase at maaga itong pumasok sa trabaho. Kanina pa tinatanong ni Andrius kong darating ba si Chase sa birthday party niya at sinabi ko na lang sa anak ko na darating ito kahit wala naman talagang kasiguraduhan kong makaka-rating ba talaga ito, o hindi. Kahit parating sinasaktan at mailap si Chase kay Andrius, mahal na mahal pa din siya nang anak ko at lagi nitong bukambibig ang Ama. "Hindi ko alam Jenny, bahala na.” Ilang oras na lang at mag sisimula na ang party, at hindi ko alam kong ano sasabihin kay Andrius kapag hinahanap sa akin mamaya si Chase. Bahala na, gagawan ko na lang ng paraan mamaya. "Ilang beses ko na din tinawagan at i-text si Chase pero naka-off ang phone niya. Hindi siya sumasagot sa akin Jenny.” “Aba, kailangan mo ng gawin ang Plan B mo.” Kagat-labi si Rhea. Kailangan ko na siguro gawin ang Plan B. Pagkatapos namin na mag decorate ni Jenny ng balloons and decoration sa sala. Napag pasyahan nilang dalawa na pumunta sa grocery, para bumili ng mga ilan na kailangan namin para sa party mamaya. Kahit sabihin na hinandaan ni Rhea ang birthday party ng anak, hindi pa rin talaga makaligtaan na mayron siyang maka-limutan na bilhin. Humawak si Rhea sa kaliwang balikat, dinarama ang pananakit sa mag hapong ginagawa ag pag-luluto kanina. Tuminggala si Rhea sa kulay asul na kalangitan at maganda rin ang panahon. Hawak ni Rhea sa mag kaliwang kamay ang paper-bag at ilang supot na mga pinamili. Pinapanuod niya ang mag nag daraan na mga jeep, sasakyan at ilang mga vehicle sa kalsada. Sakto naman na mag-isa lamang siyang naka-tayo sa pedestrian lane, hini-hintay na mag green signal na maari na akong tumawid. Nag paiwan na lang sa sasakyan ang kaibigan at hindi na ito sumama sa akin sa pamimili. Ilang sandali pa man ang hinintay ni Rhea at nag green signal na iyon na hudyat na maari na akong tumawid sa kalsada. Nasa kalagitnaan na ako ng pag lalakad, nang mahagip ng aking mga mata ang mabilis na sasakyan na patakbo papunta sa kinaroroonan ko. Nag pagiwang-giwang ang sasakyan na animo'y nawalan ng preno. I want to run. I want to scream. Pero para bang naka- pako ang aking mga paa sa daan na hindi ako maka galaw at kilos sa kinatatayuan ko. Namumuong malamig na pawis sa aking noo at pag kabog ng sobrang bilis ang aking puso sa labis na takot ng makitang palapit ng palapit na sa karoroonan ko ang sasakyan. Nangatog na ang mga paa ko sa labis na takot at pangamba na bigla ko na lamang nabitawan ang hawak kong mga pinamili sa kalsada Pinikit ko ang aking mga mata ng ilang layo na lamang ang sasakyan sa aking katawan. "Rheaaaa!" Ang malakas na sigaw na lang ni Jenny ang tangi kong narinig at ang sasakyan. Patay na ba ako? Bakit wala akong naramdaman na sakit? Malakas ang pintig nang puso ni Rhea at minulat ang mata na wala akong maramdaman na sakit. Nangatog ang katawan at kalamnan ni Rhea na mapasalampak sa malamig na sementado na sahig na makita ang itin na sasakyan sa harapan ko. Ilang pulgada na lang ang lapit nito sa akin, at buti na lang naka-preno kundi baka namatay na ako. "Ooh my god, Rhea!" Lumapit si Jenny, at bakas ang takot at panic sa mukha na makita ako na hindi na magawang igalaw at maka-salita. “Okay ka lang ba Rhea? May masakit ba sa’yo ano?” Chineck ng aking kaibigan kong may natamo ba akong galos at anumang sugat sa katawan. Wala ako sa sarili na tumango kahit hindi ko alam ang mga sinasabi nya. "Ang putla putla mo na. Sure ka ba na okay ka lang talaga?" Inalalayan ako nitong tumayo–dahil hindi ko ata kayang tumayong mag-isa matapos ang insidente. Sa gilid ng aking mga mata ramdam ko ang mga pares ng mga matang naka- masid saamin, kahit hindi ko tignan alam kong mga tao iyon na nag mamasid at nakiki- usyuso na nag daraan. Tinulungan na rin ako ni Jenny na pulutin ang mga pinamili ko. “Pinaka-kaba mo naman ako nang husto.” “Ayos lang naman ako Jenny, hindi maman ako nasaktan.” "No, hindi ka okay. Hindi ko hahayaang palampasin ito na nangyari.” Giit nito. Binuntongan ng galit ni Jenny ang itim na sasakyan na muntik nang maka-sagasa sa akin. "Hoy!"Dinuro ni Jenny ang itim na sasakyan sabay hampas ng malakas sa unahan. "Lumabas ka diyan! Kong sino kaman na walangyang gustong patayin ang bestfriend ko, harapin mo ako at huwag kang mag tago diyan sa loob ng sasakyan mo!"Susugudin ito ni Jenny at mabuti na lang naawat kaagad ni Rhea. "Jenny. S-Stop it.. Nakakahiya."umusok ang ilong nito sa galit. "Dapat siya ang mahiya Rhea.” asik nito. "Dapat dito ay kina-kasuhan at ikulong! Muntik kana niyang patayin at hindi ko papalampasin iyon. Alam niyang green light ang sign tapos mag papatakbo nang mabilis, kong hindi ba naman tanga sa pag mamaneho!"Inalis ni Jenny ang kamay ko na naka-hawak sakaniya. "Jenny," tawag ko pa, na hindi mag papaawat ang kaibigan. Patuloy na hinahampas ni Jenny ang itim na sasakyan, at kasabay ang malakas na sigaw nito na inaaway kong sino man ang gustong bumangga sa akin. "Hoy! Lumabas ka sabi diyan. Gago! Hindi ako natatakot sayo. Harapin mo ako!" patuloy na sigaw ng kaibigan. Inaawat naman ito ni Rhea ngunit hindi pa rin nag patinag ito. “Lumabas ka diyan sa lintik mong kots——" hindi na natapos pa ang susunod na sasabihin ni Jenny dahil biglang bumukas ang pinto ng sasakyan na sanhi kami matigilan pareho. Naka tuon lamang ang aking atensyon at tingin sa maganda at maputing babae na lumabas sa sasakyan. Napaka- ganda rin ng kanyang mga tindig at maganda rin ang hugis ng katawan, na para bang isa itong modelo. Hanggang balikat ang haba at itim nitong buhok. Naka-suot ang babae na black tube dress at coat na itim na maging proteksyon sa init ng araw. Itim na hat na suot ng babae at shades. Sa galaw at kilos pa lang ng babae, mukhang galing ito sa mayaman at disenteng pamilya. Lumapit ang misteryosong babae–hindi mapigilan ni Rhea na pag masdan ito. Familiar ang mukha nito sa akin, na nakita ko na ito dati pero hindi ko lang talaga matandaan kong saan. Naging slow-motion na tinanggal ng babae ang suot nitong shades at ngumisi. Nanigas ang katawan ni Rhea na mag tama ang aming dalawa. Hindi. Hindi maari. Bakit? Paano? "C-Claire?" Wala sa sariling masambit ni Rhea ang pangalan ng kaibigan. Totoo ba ito? Bumalik ka?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD