CHAPTER 51

2026 Words

"You heard what I have said, Bettina," saad ni Luis sa kanya sa seryosong tinig. "Iyan ang lumabas sa imbestigasyon na ginawa ni Andy. Matagal na sa ganitong propesyon si Andy at kailanman ay hindi pa iyon pumalpak sa trabaho nito." Nanghihinang naglakad si Bettina palapit sa silyang kawayan na nasa sala at doon ay naupo. Si Luis naman ay nanatili lamang sa may entrada ng cottage at maya't maya ang sulyap sa kanilang anak na nasa 'di kalayuan lamang. "Dating law student ang Martin Vibar na ito," muling salaysay sa kanya ni Luis. "I do not know, but I have this feeling that something is wrong, Bettina. Pinaimbestigahan ko rin siya. And I really asked Andy na alamin kung may kaugnayan siya kay James." "Why?" nagtataka niyang tanong dito. "Luis, don't tell me. . ." Hindi niya maituloy ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD