Dumating ang araw ng Biyernes kung kailan gaganapin ang victory party na binanggit sa kanya ni James. Sa Sallena Law Firm lamang iyon mangyayari at mga empleyado at malalapit na kaibigan lamang ng mag-amang Sallena ang mga dadalo. Hindi ito ang unang kasong naipanalo ni James. At sa mga pagkakataon na ito ang nagwawagi sa mga nahawakang kaso ay lagi itong nagdaraos ng pagtitipon upang ipagdiwang ang mga naturang tagumpay. Katulad na lamang ng araw na iyon. Alas-tres pa lang ng hapon ay nagtungo na si Bettina sa Sallena Law Firm. Iginiit pa ng kanyang kasintahan na sunduin na lamang siya ngunit tumanggi na si Bettina. Kinailangan niya pa kasi munang i-assist ang kanilang mga staffs sa restaurant. Ang Villamor Italian Cuisine ang nag-cater para sa pagdiriwang na iyon. Sa may ground floor