Mariin na napatiim ang mukha ni James nang sundan niya ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Bettina. Hindi pa tapos ang pagdiriwang na ginawa para sa pagkakapanalo niya sa huling kasong kanyang hinawakan. Lagi na ay nagdiriwang sila sa kompanya sa tuwing nanalo sila sa kahit anong kasong hinahawakan, hindi lang niya kung hindi pati na rin ng ibang abogadong nagtatrabaho sa Sallena Law Firm. Nagpaalam sa kanya si Bettina na uuwi na dahil na rin sa ama nitong si Emmanuel. Ayon pa sa dalaga ay masama umano ang pakiramdam ng ama nito dahilan para kinailangan na nitong umuwi. He did not believe her. Alam niya na may ibang dahilan kung bakit umalis na ito ng Sallena Law Firm, hindi pa man tapos ang selebrasyong ginaganap roon. Nang tuluyang mawala sa kanyang paningin ang kotse ng kanyang kasin