Ano mang salitang nais sabihin ni Bettina ay hindi na niya naisatinig pa. Agad na iyong naikulong sa kanyang lalamunan nang bigla ay sakupin ni Luis ang kanyang mga labi. Dahil sa nabigla ay bahagya niya pang naiawang ang kanyang bibig. Mabilis na kinuha ni Luis ang pagkakataon na iyon. He quickly slid his tongue into her mouth. He started exploring every corner of it. Dahil sa ginawa nito ay hindi niya napigilan ang pagpapakawala ng isang marahang ungol, kung dahil sa pagprotesta o dahil sa nagugustuhan niya ang ginagawa nito ay hindi niya rin alam sa kanyang sarili. Marahil ay ang huli. Marahil nga ay gusto niya ang ginagawa ng binata sapagkat ilang saglit pa ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nakikipagsabayan sa halik na iginagawad nito sa kanya. Maging ang ginagawa ng