RING lang ng ring ang telepono ng asawa ko. Lunch break na ngayon at gusto ko sanang tanungin kung kumain na s'ya. Pero hindi ito sumasagot at ngayon ay cannot be reached na ang sinasabi ng operator. It's either she forgot to charge her phone again or walang signal sa kinaroroonan n'ya. I was about to dial her number again nang mag-ring ang telepono ko. It's the hospital. Saglit pa akong nagtaka na tinatawagan nila ako habang naka-duty ngayon. "Hello," sagot ko sa tumatawag. "Gabriel, it's --" "Tita Krista, napatawag po kayo." May emergency ba? "Yes, it's me. Do you know where your wife is?" Halata ang pag-aalala nito sa kanyang tinig. "I left her at home but she said something about going to the mall. Hindi ko lang alam kung nakaalis na s'ya ng bahay. Lately, she gets bored easi

