AFTER graduation ay nakapasa ako sa board examination at naging isang ganap na nurse. Noong una akong nag-apply sa La Guardia ay hindi ako natanggap. Alam mo naman sa Pilipinas, hindi sapat na pareho kayong may diploma at lisens'ya na nagpapatunay na rehistrado kang nurse. Tinitingnan din nila ang grado at kung may special award ka -- magna, summa o kahit c*m laude ay sila ang unang una sa listahan. Paano na lang ang mga katulad namin na nagpilit rin makatapos pero walang award? Pick of the litter na lang ba palagi? And then Gabriel was hired and we became a package deal. Hindi ko alam kung anong sinabi n'ya at biglang na-reconsider ang application ko. They just said they were short of nurses and needed to have a part time. Pinaghusayan ko ang trabaho hanggang maging full time ako. But t

