NATAPOS ang lunch namin ng walang aberya. Hindi rin matiis ni Gabriel ang kapatid kahit may pagka-maldita ito. Actually, may point din naman si Genevieve kanina. Nakakaistorbo talaga si Tatiana sa lunch namin but I guess she could have said it nicer than that. Pero ayon nga sa report ni Tita Krista, may talas ang bibig ni Genevieve kaya parang hindi na rin ako masyadong nagulat na tinarayan nito si Tatiana kanina. Kahit hindi ako pinakilala ni Gabriel bilang asawa n'ya kay Genevieve at Tatiana ay pinili kong isipin na may usapan nga pala kami. But you see, I'm wearing his ring too kaya baka naisip na rin ni Genevieve na kasal na kami at hindi na lang nagtanong. Kumbaga, hinihintay n'yang manggaling sa amin para hindi lumabas na nanghihimasok s'ya. Genevieve went on her way at nagpatulo