DUMATING ang araw ng pagbabalik ko sa hospital. It was weird how the hospital looked the same and different at the same time. Matagal din ang isang buwan pero hindi naging boring dahil sa pagdating ni Lana. Sa totoo lang, akala ko ay makakalimutan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan pagbalik ko ng kasalukuyan dahil puno 'yon ng mahika. But somehow, there's a link between all of us. I was drinking coffee in the cafeteria at pasado alas tres na ngayon ng hapon. May dalawang oras pa ako bago makauwi. Ang huling ina na pinaanak ko kanina ay maayos na ang lagay. Bukas ay makakauwi na s'ya kasama ng kanyang anak. The baby is in its full term, at malusog ito. I was on my last sip of coffee when my phone rang. I just need to do documentation and I will be free to go. Bukas ay may dinner kami