Chapter 15
One month later...
Masaya si Casandra habang naglalakad siya papunta sa opisina ni Kenjie Hoffman. Kakababa niya palang sa bus ay nasasabik na siyang makita itong muli
Hindi niya ipinaalam kay Kenjie na pupuntahan niya ito ng araw na iyon.
Pagpasok niya sa napakalaking building na pagmamay-ari ni Kenjie Hoffman namangha siya dahil napakaganda sa loob nito. Daig pa ng building na ito ang magagandang 5-star hotel lalo na ang desenyo ng sa loob.
"Hi miss--"
"Hi ma'am Casandra"
Napangiti siya dahil kilala siya ng receptionist kahit hindi naman niya ito kilala kaya pala nakangiti ito sakanya kanina pa habang papalapit palang siya
"K-Kilala mo ko miss?" Nagtatakang tanong niya
"Ofcourse ma'am. Kilala po namin ang girlfriend ng big boss namin"
Napangiti nalang siya. Muntik na niyang makalimutan na halos lahat nga pala ng tao sa Pilipinas ay kilala na siya bilang nobya ni Kenjie. Ilang beses kasi silang nag trending sa social media.
"Pwede ko bang puntahan si Kenjie ngayong lunch?"
"Yes ofcourse ma'am. I'll call him--"
"No please. Gusto ko sana siya sopresahin."
"Are you sure ma'am?"
"Oo.." Nahihiya niyang sagot parang kinililig kasi ito
"Okay ma'am. Follow me"
Hinatid pa siya ng receptionist sa elevator na parang isa siyang napaka-importanteng tao at ito na mismo ang pumindot ng floor kung saan ang private office ni Kenjie
"Have a nice day ma'am Casandra" Nakangiti ang receptionist sakanya bago sumara ang pinto ng elevator. Hindi tuloy siya nakapagpasalamat dahil akala niya sasamahan pa siya nito hangang sa opisina ni Kenjie ngunit mag isa lang siya sa loob ng elevator
She check herself in the mirror infront of her. Gawa kasi sa salamin ang loob ng elevator kaya nakikita niya ang repleksyon niya. Sinadya niya talagang mag suot ng sexy dress at medyo malalim ang sa bandang dibdib. Lumilitaw tuloy ng kaunti ang malulusog niyang dibdib.
Pilya siyang napangiti.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin siya sa pinakamataas na floor kung saan naroon ang private office ni Kenjie Hoffman
Gustong gusto na niyang makita ito.
Iisang malaking pinto lamang ang nasa palapag na iyon. Napakalaking pinto iyon ngunit gawa sa salamin kaya naman nakikita niya agad ang loob ng opisina ni Kenjie
Maluwang ang opisina nito at mayroong napakalaking center table kung saan naroon ito. Napakaganda na sana ng kanyang ngiti ay unti unting nabura.
Napaatras siya ng makita kung sino ang babaeng kayakap nito! Agad siyang nagtago sa isang gilid upang hindi siya makita ni Kenjie
Namanhid ata ang buong katawan niya dahil sa nasaksihan niya.
Para siyang nakakita ng multo...
"Ma'am!" Hingal na hingal ang babaeng receptionist at galing ito sa fire exit. Mukhang tumakbo ito sa hagdanan upang habulin siya
Pawis na pawis ang babaeng receptionist. Kitang kita niya rin ang pag aalala sa mukha nito.
Napahawak siya sa kanyang pisngi ng tumulo nalang ng kusa ang luha niya. Kitang kita iyon ng receptionist kaya lalo itong natakot. Nais kasi siya nitong pigilan sa pag punta sa private office ni Kenjie ng malaman nitong naroon ang ex wife ni Kenjie! Hinabol pa nito ang elevator kanina ngunit hindi na nito iyon nahabol kaya naman tumakbo ito paakyat sa hagdanan upang habulin siya.
Hinila niya ang receptionist upang magtago rin.
"M-Ma'am sorry hindi ko po alam na nandito si ma'am cassy naglunch po kasi ako at kakapwesto ko lang nung dumating ka ma'am ibang receptionist po yung nag entertain kay ma'am cassy kanina kaya di ko po alam--"
"Shhhh. Ayos lang" Nanghihina ang boses niya. Ngunit sinenyasan niya ito na huwag itong maingay dahil baka marinig pa sila nila Kenjie at Cassy
Awang awa naman tuloy ang receptionist sakanya.
Muli niyang sinilip ang private office ni Kenjie dahil narinig nilang bumukas ang pinto ng room nito.
Nagsumiksik sila sa gilid upang hindi sila makita ni Cassy. Palabas na ito ng private office ni Kenjie.
Habang naghihintay ito ng elevator may kausap ito sa cellphone nito.
"Yes doc.. Alright" Mukhang masaya pa ito.
Mayamaya pa sumakay na ito sa elevator.
Doon palang sila nakahinga ng maayos.
"M-Ma'am sorry po--"
"Ayos lang yun. Huwag mong isipin. Sige na bumaba kana sa work mo" tinapik niya pa ang balikat ng receptionist dahil kitang kita niyang natatakot itong mawalan ng trabaho
"Sorry po ulit ma'am" Nakayuko itong bumaba muli sa fire exit.
Pinunasan ni Casandra ang kanyang luha. Huminga siya ng malalim bago siya nagpakita kay Kenjie
Pumasok siya sa private office nito.
Nakayuko ito at parang problemado noong una. Ngunit nanlaki ang mata nito sa pagpasok niya sa loob ng opisina nito
"Nagkabalikan na pala kayo" Bungad niya
Napatayo agad ito at parang balisang balisa lalo na ng makita siya nito
"Have you been here before she--"
"Nakita ko naghahalikan kayo" Putol niya sa sinasabi ni Kenjie
Napalunok ito habang namumula ang mga mata. Para bang gusto nitong umiyak?
"S-She's pregnant"
Parang bumagsak naman ang langit at lupa sa kanya sa mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Kenjie.
"I am about to be a father" Mahinang boses na sambit nito. Hindi ito makatingin ng diretso sakanya
Parang may nakatarak sa saknyang dibdib at hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung hangang saan niya pa kayang pigilan mapa-iyak sa harapan ni Kenjie. Pilit niyang pinapatatag ang sarili kahit gustong gusto na niyang tumakbo palayo upang humagulgol
"C-Congrats." Ngumiti siya ng peke upang pagtakpan ang masakit na katotohanan
"C-Casandra" Malungkot ang mga mata ni Kenjie na para bang gusto nitong tumakbo palapit sakanya ngunit nag pigil lang ito
"S-So ano ng plano niyo? Magbabalikan na ba kayo?"
Barang may nakabara rin sa lalamunan ni Kenjie bago ito nagsalita. Para bang nahihirapan ito.
"Y-Yeah" Napatulo na ang luha ni Kenjie
Luha ba iyon ng kaligayahan? Bakit parang namatayan ito?
Isang tagos pusong pananaksak nanaman ang naramdaman ng kanyang puso.
"M-Maganda kung ganoon para magkaroon na kayo ng pamilya. I-Ideposit mo nalang sa bank account ko yung isang milyonez ko. Tapos na ang papel ko sa buhay mo. Congrats sa inyo" Dinaan niya pa sa masayang tono ang kanyang sinabi bago siya lumabas ng private office ni Kenjie
Akala pa naman niya nagkakamabutihan na sila ni Kenjie. Ilang beses silang nag s*x sa boracay at isang buwan siyang pabalik balik sa condo nito upang ulit ulitin nila ang mga maiinit na gabi. Palagi nga siyang pinapagalitan ng mga mame niya dahil panay ang overnight niya sa condo ni Kenjie. Halos kompletuhin na nga nila ang libro ng kamasutra sa ibat-ibang posisyong nagawa nila sa loob ng condo nito.
Halos isang buwan na simula ng mag boracay sila. At halos araw araw siyang nasa condo nito. Hindi na nga nila napapag-usapan ang tungkol sa kontrata nila at para bang naging totoong magkarelasyon na sila.
Ngunit ngayon sa isang iglap bigla nalang ganito ang mangyayari..
Para siyang tanga sa loob ng bus dahil humahagulgol siya doon. Hindi niya alam may nakakilala pala sakanya at pinicturan siya. Pinost nito iyon sa social media kaya naman nag trending tuloy siya
Sinamantala naman iyon ni Cassy at nag post ito ng isang picture ng pregnancy test.
Ang caption nito sa litrato ay
"My little Kenjie is coming ❤️"
Nagtrending ang litratong pinost nito sa social media at balitang balita ang pagbabalikan ng mga ito. Pinagtatawanan din ng ibang tao ang video niyang humahagulgol sa loob ng bus.
Hindi tuloy siya lumalabas ng kanyang kwarto sa loob ng tatlong araw dahil sa sobrang depresyon at pagkakawasak ng puso niya..
Hindi niya makakalimutan ang mga araw na naging jowa niya si Kenjie Hoffman. Ito ang pinakamabait at pinakamalambing na nobyo sa buong mundo para sakanya. Ang sabi pa nga ni mang nestor ay nararamdaman daw nitong nagbabago na si Kenjie dahil siya nalang daw ang nag iisang babae nito simula ng umuwi sila galing sa boracay.
Kilig na kilig pa nga siya dahil doon.
Umaasa siyang magtutuloy tuloy na ang relasyon nilang dalawa ngunit... Hindi siguro sila talaga ang para sa isat-isa...
"Anak ayos ka lang ba diyan?" Pang isang libong beses na ata siyang kinatok ni mame dora at mame dondey sa kwarto niya
Tatlong araw na kasi siyang hindi lumalabas sa kwarto niya
"A-Ayos lang po." Palagi siyang sumasagot upang hindi mag alala ang mga ito.
"Yung food mo anak iwan namin dito ha? Hindi ka pa ba talaga lalabas diyan anak?"
"Kailangan ko lang po mapag isa.."
"Anak nag aalala na kami ng husto sayo--"
"Ayos lang po ako mame."
"Osige anak pag gusto mo ng kausap anak puntahan mo lang kami ng mame mo"
"Opo mame" Napahagulgol tuloy siya. Ayaw niya kasing lumabas ng kwarto dahil namamaga ng husto ang mga mata niya. Wala kasi siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak.
Nagulat siya ng may mag message sa kanyang i********: account.
Kenjie Hoffman : Can we still be friends?
Nanginig ata ang kanyang mga kamay ng mabasa ang chat ni Kenjie sakanya.
Tatlong araw itong walang message sakanya simula ng ideposit nito ang isang milyong bayad nito sakanya.
Kenjie Hoffman : Please?
Lalo siyang napaiyak dahil isang chat lang nito ay heto umaasa nanaman ang puso niya
Her : Sige
Kenjie Hoffman : Kamusta kana?
Her: Okay lang
Kenjie Hoffman: Video call please
Nataranta siya ng tumawag si Kenjie Hoffman sakanya.
Pakiramdam niya nananaginip lang siya. Tatlong araw na madilim ang mundo niya ngunit heto nanaman ito at pinapaasa siya
Ngunit tama pa bang ituloy parin nila? Kahit magkakaroon na ito ng anak?
Sinagot niya ang video call.
Ngunit hindi niya binuksan ang kanyang camera
Malungkot ang mukha ni Kenjie sa video call
"Nasaan ka? I want to see you. Open your camera" Malambing nitong tanong.
"Ayoko" Napapahikbi niyang sagot kay Kenjie
"Please don't cry jowa. Magkita tayo bukas please" Nagsusumamo ang gwapong mukha ni Kenjie sa video call
"Bakit pa tayo magkikita? Baka magalit ang asawa mo--"
"I don't care. Hindi ko kayang hindi ka makita Casandra. para na kasi akong mababaliw kakaisip sayo"
Napahilamos pa sa sarili nitong mukha si Kenjie para bang problemadong problemado ito