Chapter 3
"Alam mo parang familiar ka sakin. May kamukha ka eh.."
Napangiti si Cassy sa sinabi ng client niya habang inaayus niya ang buhok nito.
Nasa raket kasi sila ngayon ni Heidi bilang hairstylist.
Tumingin naman agad si Heidi sakanya habang inaayusan rin nito ang isa pang client nila.
Nasa isang hotel sila ngayon sa makati dahil aatend ng debut ang mga ito.
"Naku ma'am wala akech kamukha no. Nag-iisa tong beauty ko"
Tila nag isip naman ng mabuti ang babae.
"Nakita na kita somewhere eh. Hindi ko lang maalala talaga"
Napahagikgik siya
"Baka sa magazine or sa tv choz!" Biro lang niya ngunit nanlaki ang mata ng babaeng cliente nila at agad nitong binuksan ang cellphone nito.
Napatili pa ito ng masigurado nito kung sino talaga siya.
"Sabi ko na eh! Oh my gosh! Diba ikaw yung girlfriend ni Kenjie Hoffman?" Napapatili pa nitong tanong sakanya
Nagkatinginan tuloy sila muli ni Heidi
"Ay shocks! Siya nga yun sis!" Sagot naman ng isang babaeng inaayusan ni Heidi. Napatili rin ito.
"Oh my gosh ate please pakilala mo naman kami kay Kenjie!"
"Super fan kami ng mga hoffmans grabe! Halos lahat sila taken na! Ang swerte mo naman ate!"
Napapanga-nga lang siya sa sinasabi ng mga ito. Napakamot tuloy siya sa kanyang kilay.
"Ganon ba? Sikat na pala aketch" Nakangiwing sabi niya
"Ate papicture tayo. Pagmamalaki ko sa mga classmates ko na kaibigan ko yung gf ni Kenjie Hoffman!" Nagmadali pa itong tumayo at inakbayan pa siya nito.
"One two three cheese!"
Wala siyang nagawa kundi ngumiti sa camera ng cellphone nito. Ngunit wacky smile ang ginawa niya. Hindi kasi siya photogenic. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang panget niya sa picture sa personal hindi naman.
"Ako rin ate please!" Tumayo rin ang client ni Heidi at nagpapicture rin ito sakanya
"Okeyz basta may tip kami ha?" Biro nalang niya sa mga cliente nila.
Ikinatawa nalang iyon ni Heidi habang nakatingin ito sakanya. Feeling instant artista tuloy siya. Ngayon niya lang naranasan ang ganoon.
Pagkatapos ng raket nila ni Heidi marami pang mga babae ang nag papicture sakanya. Bentang benta sa mga ito ang kalokohan niya. Panay wacky kasi ang pose niya sa mga picture ng mga ito.
"Adik ka talaga cassy. Panay wacky yung picture mo sa mga bata." Natatawang sabi ni heidi sakanya habang nasa elevator sila. Kakatapos lang ng raket nila at plano nilang kumain muna sa malapit na fast food restaurant dahil nagutom sila ng husto. Tumagal kasi ang raket nila ng isang oras mahigit pa dahil sa dami ng nagpapicture sakanya.
"Kalerkey nangalay nga tong dila at panga ko.." Ginalaw galaw niya ang kanyang baba at panga.
Natawa naman lalo si Heidi sakanya.
"Siguro sabi ng mga bata sayo, Ano ba naman tong gf ni Kenjie parang may saltik"
Sabay silang natawa sa sinabi ni Heidi.
Paglabas nila ng hotel may isang familiar na itim na kotse ang huminto sa mismong tapat nilang dalawa.
"Kotse ni jowa to ha?" Biglang kumabog ang kanyang puso dahil sa tingin niya kotse ni Kenjie Hoffman ang huminto sa harap nila
"Sure ka cassy?" Bulong naman ni Heidi sa gilid niya
Inaabangan nilang lumabas ito sa kotse ngunit si mang Nestor ang lumabas ng kotse nito
"Hello po ma'am magandang gabi" Bati ni mang nestor sakanya
"H-Hello rin manong nezz!" Bati niya kay manong nestor ang driver ni Kenjie
"Hello po ma'am" Bati naman nito kay Heidi
"Ay hello rin po" Sagot naman ni Heidi
"Mang nezz anong ginagawa mo ditey?" Tanong niya kay mang nestor
"Ma'am pinapasundo po kayo ni Sir Kenjie sakin"
Napataas ang kilay niya at napatingin sa relong pambisig niya. Alas-nuebe na ng gabi.
"Ho? Bakit po? Gabing gabi na po eh"
"Papipirmahin niya ho kayo ng contrata. Saglit lang siguro yun ma'am"
"Bakit po hindi nalang siya ang nagsundo sa kaibigan ko?" Singit naman ni Heidi
Napakamot tuloy sa bumbunan si mang nestor
"Eh may tinatrabaho hong chix eh"
Dahil sa sinabi ni mang nestor pakiramdam niya umusok ang kanyang ilong. Napakababaero talaga!
"Nasan ho yang haliparot na boylalung yan?" Tanong niya
"Nasa condo niya ho ma'am."
"Heidi mauna kana may kukuritin lang akong itlog. Tara na ho mang nezz!" Dali dali siyang sumakay sa kotse ni Kenjie.
"Huy cassy hatid niyo na ako beh!" Habol ni Heidi sakanila kaya pinasakay niya rin ito sa kotse ni Kenjie
"Mang nezz ihatid muna natin itong friendship ko bago tayo pumunta sa playboy na yun"
"Okay po ma'am"
Hinatid muna nila si Heidi sa apartment nito. Pinagsabihan siya ni Heidi na mag iingat siya kay Kenjie Hoffman bago ito tuluyan umuwi.
"Manong nezz talaga ho bang babaero yang si Kenjie?"
Tumawa si Mang nestor habang nag mamaneho ito
"No comment ho ma'am"
"Naku bakit ko ba tinatanong pa sayo? Eh obvious namang babaero siya!" Nakangusong reklamo niya
"Wala pa ho sigurong nahahanap na katapat si Sir Kenjie. Akala ko nga ho ng mag asawa yan titino na."
Napabuntong hininga siya.
"Siguro kaya siya iniwan ng asawa niya dahil babaero siya"
Sumeryoso naman si Mang nestor
"Alam mo ma'am sa totoo lang bilib rin ako kay Ser. Si ma'am cassy kasi noon ilang beses siyang iniputan sa ulo"
"Eww yucks! As in jerbackz?"
Natawa tuloy si mang nestor sa reaksyon niya
"Hindi ho ma'am. Kasabihan lang ho kumbaga. Iniputan ho sa ulo ay ibig sabihin niloko ang asawa naki-apid sa ibang lalake"
Napanganga nalang siya ng magets niya ang sinasabi ni mang nestor
"Ay talaga ho? Kalerkey pala. Pero sa tingin niyo mang nezz bakit gusto parin balikan ni Kenjie ang ex-wife niya?"
Nagkibit balikat si mang nestor.
"Hindi ko nga rin ho maintindihan eh. Siguro ho sa pride at ego ni Ser? Baka hindi lang matangap ni Ser na ipinagpalit siya. Sa katunayan ma'am kaya lang naman nagustuhan ni Sir Kenjie si ma'am cassy noon dahil si ma'am cassy lang ang babaeng ayaw kay Ser. Nachallenge ho siguro si Sir Kenjie dahil kapatid ni Sir Kenjie ang gusto ni ma'am cassy noon"
"Ay oh em gee. Kapatid niya ang kabit?!"
Tumawa ulit si mang nestor
"Hindi ho ma'am. Ayaw ho ni Sir Luke kay ma'am cassy. Hindi ho type ni Sir Luke si ma'am cassy"
"Oh! Si Luke Hoffman pala ang tinutukoy mo manong nezz."
"Oho ma'am. Baka nachallenge lang si Sir Kenjie kay ma'am cassy noon. Pero sa tingin ko hindi pa talaga nakakaramdam ng tunay na pag-ibig si Sir Kenjie. Paano kahit mag asawa na sila ni maam cassy panay parin ang pang bababae niya."
"Babaero siguro talaga hindi na yun magbabago juko! naku sayang talaga yang si jowa!"
Tumawa si mang nestor mukhang naaaliw ito sakanya
"Mukhang tuwang tuwa ka sa chikahan natin mang nezz ha?" Puna niya kay mang nestor dahil tawa ito ng tawa sakanya
"Oo nga ho ma'am kayo palang ang babaeng nagustuhan kong ugali sa mga pinasundo sakin ni Sir.Kenjie"
Napangiti siya ng husto
"Siyempre mang nezz friendship na tayo. Basta sa chikahan magaling ako diyan"
Tumawa itong muli
"Ganyan ho ba talaga kayo magsalita ma'am parang ang kulit kulit"
"Ganito lang talaga ako mag salita manong nezz. Im perfectly unique"
"Nandito na ho tayo ma'am"
Hindi niya napansin na nasa parking lot na pala sila ng condo ni Kenjie Hoffman.
"Okidok manong may papaluin akong pwet"
Lumabas na siya ng kotse at hinatid siya ni mang nezz este ni mang nestor hangang sa harap ng condo unit ni Kenjie Hoffman
Nag door bell si mang nestor at ilang saglit pa binuksan na ni Kenjie Hoffman ang pintuan
"What took you so long?" Kunot nuong tanong nito sakanya
Ngunit hindi siya agad nakapagsalita dahil sa itsura nito ngayon! Bagong ligo pa lamang ito at nakatapis lamang ito ng tuwalya sa bandang bewang nito
Ngunit ang napakagandang katawan nito ay nakabunyag sa kanyang harapan! Kaya naman pala maraming babaeng napapa-ikot nito ay dahil napakaganda ng katawan nito!
Kahit siya ay hindi lang nito mapapaikot kundi mapapatumbling pa siya nito!
Napa-nganga tuloy siya sa itsura nito at dahan dahan niyang pinasadahan ng tingin ang mga pandesal sa tiyan nito.
"Good luck ma'am" Bulong ni mang nestor bago ito lumakad palayo
"Hey" Untag ni Kenjie sakanya habang nakatitig parin siya sa katawan nito
"H-Harujusko a-ano ba yang suot mo?" Doon palang siya nag iwas ng tingin sa katawan nito
Sumimangot lang ito at niluwangan ang pinto ng condo nito.
Napalunok siya. Ibig sabihin pinapapasok siya nito sa condo nito.
Huminga siya ng malalim bago siya pumasok sa condo nito. Napakalamig sa loob! Gininaw tuloy siya dahil nanginginig ng kaunti ang kanyang katawan. O baka naman kinakabahan lang siya?
"Go home" Utos nito pagkapasok niya sa condo nito
"Ha? Bakit mo pa ako pinapunta dito kung--"
"Not you gatecrasher." Putol nito sa sinasabi niya.
Napatingin tuloy siya sa babaeng nagdabog habang nag sasapatos ito.
"Nandito na yung girlfriend ko umuwi kana" Sabi pa ni Kenjie sa babaeng panay ang pagdadabog at masama ang tingin sakanilang dalawa ni Kenjie
"Asshole!" Galit na sambit ng babae bago ito nagmarsta palabas ng condo unit ni Kenjie. Halos ibalibag pa nito ang pinto
Napangiti naman ng pilyo si Kenjie dahil sa reaksyon niya dahil nanlalaki ang kanyang mga mata
"Ganyan ka ba talaga magulat?" Natatawang tanong nito
"I-Ibang babae nanaman ata yun ha? Napakababaero mo talaga kalerky ka!" Nakangusong reklamo niya
Hindi pa rin siya makatingin ng deretso kay Kenjie dahil sa kahubaran nito.
Tumawa lang ito at tinalikuran na siya
"Hintayin mo ko magbibihis lang ako"
AUTHOR : Hi guys! Pa-subs po sa youtube please po. Cecilia Jalimao po name ko sa youtube. Watch niyo po yung first vlog ko.
nag try po si author mag vlog ???
Salamat po sa susuporta po.