Chapter 22 "Dahan dahan sis.." Inalalayan siya ni Selena pababa sa speed boat na nagdala sakanila sa pinakatagong isla ng Palawan. Nakakaramdam siya ng pagod at pagkahapo ng hininga ngunit hindi niya iyon alintana. Gustong gusto na niyang makita si Kenjie. Marami siyang gustong sabihin kay Kenjie at nangungulila na talaga siya sa pagmamahal nito "Careful sis. Madulas ang daan" Pag-aalala ni Selena sakanya. Naging kaibigan na niya ito simula ng tulungan siya nitong hanapin si Kenjie six months ago. Ito ang naging sandalan niya sa mga panahon na kailangan niya ng kakapitang pag asa "Thank you sis.." Inaalalayan siya nito kasama ang personal assistant nitong si Paula. "Oo nga po miss Casandra mag iingat po kayo dahil magiging bingot ang anak niyo pag nadulas kayo" Sabi ni paula sakanya