HINDI malaman ni Sheena kung paano siya kakain ng maayos. Naiilang siya sa mga titig na pinupukol sa kanya ng matandang katiwala ng bahay ni Sean. Wala na ang binata nung magising siya kanina at naabutan naman niya sa kusina si Manang na agad na nagpa-upo sa kanya para kumain. She received a text message from Sean that he's on the way to Tarlac for a project pre-bidding meeting. Sana pala hindi na siya sumama dito nung nagdaang gabi kung maiiwan lang din pala.
Ramdam niya ang 'di pagkagusto sa kanya nung katiwala na dapat namang hindi big deal. Wala silang relasyon ni Sean pero bakit iba ang nararamdaman niya? Kagabi, nakinig lang sa mga rants niya sa buhay si Sean at wala itong pinayo na kung ano. He just listen to her which she really needed the most. Nakita niya dito yung matagal na hinahanap sa ibang kaibigan na makikinig lang at walang sasabihin na makakasakit sa kanyang damdamin.
Bigla niya ngang naisipan na h'wag na masyadong tarayan ang binata lalo't ito naman ang naging takbuhan nung wala na mapuntahan. He even gave her a copy of house key there last night. Gaano ba nito siya kagusto? Gusto niyang magtanong kaso baka lumabas na napaka-assuming naman niya. Saka wala naman siyang balak suklian iyon dahil ayaw niyang matulad sa kanyang Mama.
“Ubusin mo 'yan at binilin ni Sean na pakainin kita ng madami.” wika nito sa kanya. “May pasok ka ba? Kung wala, samahan mo ako mag-grocery.” Hindi siya agad nakakibo ng dahil sa sinabi nito sa kanya. Hindi na din niya nagawa pang tumangi sa plano at natagpuan na lang ang sarili na nagtutuklak ng push cart kasama ito.
Ayos lang naman iyon at nagfile siya ng emergency leave para sa araw iyon. Wala siyang lakas na pumasok at makipag-plastikan ng ngiti sa mga katrabaho. Isa pa masama din ang pakiramdam niya nung magising na dulot marahil ng pag-iyak. Infairness naman kay Sean, hindi talaga siya nito pinabayaan at inantay pang makatulog. Na-konsensya nga siya nung malamang may meeting pala ito sa malayo ngayong araw.
Kanina pa niya iniisip kung paano makakabawi dito. Bigla bigla din naman siyang nagpa-uwi na lang dito kagabi. ng sama sama niya pa nung sabihin na kalimutan na lang lahat nang nangyari sa kanila. She's the worst human being in the world. How dare she do that to someone who didn't let her be alone.
“Gaano na po kayo katagal kina Sean?” Sheena tried to be friendly to Sean's nanny. Parang nanay na ni Sean ito at hindi naman siya lumaking bastos, sa ibang tao lang at yung mga panget ang pakitungo sa kanya. In short, namimili siya ng taong pakisasamahan simula pa noong unang una.
“Dalaga pa ang yumao niyang Mama katulong na nila ako.” Nag-antanda ito at umusal ng mahinang panalangin para sa yumao. Naalala niyang nabanggit ni Sean sa kanya na wala na itong mga magulang at ang laki laki nung bahay na tinitirhan nito. “Iyang si Sean, malokong bata pero iba kapag nagseryoso na. Madaming katulong ang sumuko dyan ngunit 'di umubra sa akin. Masipag mag-aral at mataas kung mangarap.”
Tumango tango siya bilang tugon sa matanda. Hinayaan niya lang na mag-kwento ito habang namimili silang dalawa. Lagay lang ito ng lagay sa push cart at nung matapos ay nag-aya na sa cashier. Iaabot na dapat nito yung card ngunit pinigil niya at sa halip ay inabot yung kanya.
“Please charge these in that card.” Magalang niyang sabi sa kahera na kinalaki ng mata ni Manang. “Bakit po? May problema po ba?”
“Wala naman.” anito sa kanya.
Sinenyasan na niya yung kahera na ituloy na ang pag gamit doon. Hindi niya kasi sigurado kung hanggang kailan siya doon. Mamaya pag-uwi niya, hahanap siya sa online ng matitirhan na bahay at balak na niyang gamitin ang ipon pansamantala. Hindi na kasi nakakatulong sa mental health niya yung pakikipag-relasyon ng Mama niya kay Apollo. She can't leave there with them.
Oras na para bumukod sa mga ito at kapag nakahanap na siya, saka niya kukuhain ang mga gamit. Pag-uwi nila ni Manang iyon nga ang ginawa niya at hindi naman siya inistorbo pa ng matanda. Tinawagan niya lahat ng matipuhan na space ngunit wala miski isang pumasa sa mga nakalista niyang standards. Sa picture lang kasi ito maganda tapos kapag na-i-tour na siya via video call, nakaka-disappoint na yung itsura na kanyang makikita. Pasalampak siyang naupo sa sahig saka nag-dial sa kanyang cellphone.
“Hello...” Nahinto siya sa pagsasalita dahil hindi niya alam ang dapat na sabihin. Nag-iisip siya kung paano uumpisahan sabihin kay Sean yung balak niya gawin sa kanyang buhay. Hindi naman nito kailangan malaman pa iyon ngunit sa poder siya nito natigil kaya walang choice.
“I'm not a soothsayer, Kate. Engineer ako, okay?” Napasimangot siya bigla ng dahil sa sinabi nito.
“I'm gonna stay a little more longer here but I'll take care of the groceries, bills if that's okay with you. Hmm, ano pa ba? Maybe, I can handle half of Manang's salary? What do you think?”
Instead of an answer, she just heard Sean laugh on the other line. Gusto niyang babaan na lang ito tawag dahil baka mapikon na naman siya dito. Sheena must keep her cool. Ito na lang ang huling taong matatakbuhan niya. Ayaw niyang idamay ang mga kaibigan sa problemang mayroon siya.
Pero okay lang na idamay si Sean? Kastigo niya sa isipan. Anong kaibahan niya sa mga kaibigan mo? Tanong pa niya uli sa isipan.
“You can stay whenever you want. I can help you finding a house there or maybe build it,” tugon ni Sean matapos nitong tumawa sa kabilang linya.
“T-thanks! Sige ibaba ko na 'to,” aniya dito. Wala na kasi siyang sasabihin pa sa binata kaso bago pa 'man niya maibaba ang tawag ay nagsalita pa si Sean.
“I'll see you there later. Pauwi na ako.”
“Okay. Ingat!”
What did I say? Grabe, nasobrahan naman yata ang pagiging mabait ko sa kanya. Baka mamaya mag-isip iyon na okay lang ang lahat sa amin. Grabe talaga, Sheena!
~•~•~
“THAT'S the worst alibi I ever heard from an engineer like you, Engr. Delos Santos. I expect your resignation letter tomorrow morning at my desk.”
Inis na sinipa ni Sean ang sofa pagkababa ng tawag na iyon mula sa engineer ng site na nagka-problema sa Rizal. Gusto nitong isisi sa architect na may hawak ang lahat na wala iba kundi si Shalee. Mula nung pumasok ito sa OCG, partner na sila lagi sa mga projects at iyon ngang nasa Rizal original project niya na nalipat sa iba dahil dumating itong sa Inkwell Creatives. He can't afford to put all the blame to Shalee while his team was the real cause of the problem. Sub-standard lahat ng materyales na ginamit kaya may guhong naganap na napaka-imposible naman dahil kasama siya sa pag-gawa ng plano noon.
“Nandyan ka na pala, hijo. Kumain ka na ba? Gusto mo initin ko yung niluto ni Sheena?” tanong sa kanya ni Manang. “Nagluto siya kasi sabi mo raw ay pauwi ka na kaso mukhang naipit ka sa traffic kaya nauna na kaming dalawa kumain.”
Mukhang close na ang dalawa na hindi niya in-expect. Ngumiti siya dito saka tinanguan ito bilang pagsang-ayon initin yung pagkaing niluto ni Sheena. Napatingin siya sa kwarto kung nasaan ang dalaga. Tulog na kaya ito? Gusto niyang makita ito kahit saglit lang at 'di bale ng sungitan pa siya nito.
Mabilis siyang umakyat sa second floor at aktong kakatok na sana ngunit bumukas yung pintuan bago pa 'man lumapat ang kamay niya. Kung napa-aga pa ay sa mukha nito babagsak ang kamay niya na kasumpa sumpa na para kay Sheena. Nakita niya kung paano mamilog ang mga mata nito nung makita siya nakatayo sa labas ng kwarto nito. Agad niya binaba ang kamay at tinago iyon sa likuran. Ano bang dapat niyang sabihin dito?
Takte, bakit hindi ko ito na-practice kanina? Bakit ba lagi akong nauubusan ng sasabihin sa kanya? Why am I talking to myself now?
Simula nung makilala niya si Sheena ay lagi ng gano'n. Natatagpuan niya ang sarili na nagsasalita o 'di kaya kinakausap na nga. Yung mga katrabaho niya ay laging napapansin ang pagiging good mood araw araw. Blessings daw iyon para sa lahat ng na-sample-an niya ng pagiging terror head engineer. Mas istrikto pa siya sa kapatid niya na paborito naman ng lahat.
“I'm home,” aniya dito.
Napatanga ang dalaga sa kanya. “Hindi pa ba obvious?”
“Tara kain tayo.” Pag-aaya niya dito kahit nabanggit na ni Manang na nauna na itong kumain.
“Kumain na kami - sige na nga. Tara kakain ako ulit.”
“That's my girl.”
“I'm not yours,”
“Not yet but soon, you will.”
~•~•~
HINDI na maipinta ang mukha ni Sheena habang si Sean naman ay abalang abala sa pakikipag-usap na nagbebenta ng bahay sa kanya. Sinama niya ito kasi nga engineer at kung may makita itong odds, umpisa palang nasosolusyunan na. Kaso mali yata ang desisyon niyang iyon dahil masyadong metikuloso si Sean at kanina pa madami ang tanong. Para bang ito yung titira doon at sa kanya lang nagpasama. Napagkamalan pa nga silang bagong kasal kanina hindi naman niya nagawang itanggi na dahil intrimitido nga si Sean.
“How is it?” tanong niya nung makalabas na si Sean sa bahay na binisita nila.
“I don't like it,” she rolled her eyes then stop from walking. Humarap siya dito at humalukipkip. “what? Hanap tayo ng iba pa.”
“Hindi naman ikaw ang titira. So, what if you don't like it? Ako na nga lang maghahanap mag-isa.”
“Sheena!”
Hindi siya lumingon pa dito at pinara yung taxi na nakaparada lang sa malapit. Ang daming oras na ang nasayang at kailangan na niya makahanap sa lalong madaling panahon. Ayaw niyang patagalin pa ang pag-stay sa bahay ni Sean. She doesn't want to be at the center of everyone's attention. Nagtext siya sa mga kaibigan niya at nakipagkita sa mga ito sa paborito nilang cafe. Pumayag naman ang bilang mga gusto din magsigala at mag-alis ng stress.
“Sa bahay ka ni Sean nakatira ngayon?” Sabay sabay bulalas nung tatlo niyang kaibigan matapos na ma-ikwento ang lahat ng nangyari sa kanya. Pati yung hindi niya pagka-usap sa sariling ina ay naisama sa pag-kwento.
“We sleep in different rooms, okay?” Dinampot niya ang in-order na milk teas saka uminom. “Hanapan niyo ako ng matitirhan kahit apartment muna kung wala talaga isang buong bahay.”
“Eh, bakit ka pa aalis doon?” tanong sa kanya ni Ivanna. Umarkot ang isa niyang dahil sa tanong na iyon nito. Kailangan niya umalis dahil iyon ang dapat na gawin. Hindi siya pwedeng habang buhay na nakapisan kay Sean. Ano na lang sasabihin ni Manang? Nung ibang nakakakilala sa kanya? It's a big no for Sheena.
“Alam mo girl, ikaw lang napapakumplikado ng lahat. You want to move out because of your Mom's relationship with greek god like boyfriend. Aren't you being too unreasonable na? Wala ba karapatan sumaya ang mama mo?”
Here they go again... Why can't they see na pera lang habol nung Apollo na 'yon kay Mama? aniya sa isipan.
“Tama si Krisan. Ang lame ng rason mo at nagiging selfish ka na ng hindi mo napapansin, Sheena.” Dagdag na sabi naman ni Kaia.
“I agree to them saka nadadamay pa si Sean sa problema mo imbis na hindi. Gusto ka 'non kaya ayos lang sa kanya at ikaw naman itong si manhid na hindu napapansin yung damdamin niya. Stop doing that, Sheena. Stop dragging people down to your misery path. If they want to be happy, even if the reason is you, let them. Let go of them, and stop controlling other people.”
Hindi siya agad nakasagot sa mga sinabi ni Ivanna. Sobrang selfish na ba talaga niya? Paano kung ginagawa lang naman niya iyon dahil naniniwala siyang magiging masaya din sila ng kanyang Mama? Hindi naman niya gustong idamay si Sean sa gusot na ito. Sadyang wala lang siyang matakbuhan dahil ganito, palagi na lang siya ang selfish sa mga mata nila. Can't they agree to her plan just this once?
Malalim siyang napabuntong hininga.
Sheena, you have to face all of the consequences of this mess...