CHAPTER 46 PLANNING an event is easier than planning your own wedding. Iyon ang naisip ni Sheena habang tulalang nakatitig sa brochure ng mga wedding gowns na hawak niya. Wala pa siyang napipili miski ano doon at hindi sila magkasundo ng nakuha niyang wedding coordinator. Sheena wants an intimate wedding exclusive to their families only. Ayaw niya ng magarbo gaya sa ibang kinakasal na nakikita niya online. Inkwell Creatives will handle her wedding reception and she has no problem with that. May tiwala siya sa kumpanyang pinagta-trabaho-an niya at sa mga tao sa likod noon. She trained them and they won’t let her down on the most special day of her life. Iyong ceremony na lang talaga ang problema niya at susuotin. Sean is contented with a simple three-piece suit, a pair of well-known forma