Chapter 27 NAG-AALANGAN si Sheena kung sasabihin na ba niya kay Sean ang kagustuhan niyang makabalik sa trabaho. Para na hindi nito gaano nabugbog ang katawan sa pagtatrabaho sa OCG. Nadadalas na kasi ang pag-uwi ni Sean ng gabi hindi gaya noon na halos araw-araw ito sa bahay. Simula makabawi ang construction world, dumami na ang proyekto na hawak ni Sean na dati namang hinati-hati nito sa mga junior engineer sa kumpanya. More on supervising lang dapat si Sean ngunit hindi iyon ang nangyayari ngayon. As much as she wanted to ask Sean to stay in the house, both of them were too ambitious to stop and let their future decide for itself. Ayaw nila pareho noon kaya naman tingin uubra ang pag-hiling niya na maka-balik na sa trabaho upang makatulong. Binitawan niya ang maliit na kamay ng anak s