AMIRA Habang nagchichismisan 'yong mga gurangers doon sa labas, naririto kami nina Kanal, Deimos at Phobos sa loob ng mansyon nila. Gusto nga rin sana sumama ni bebe Elijah kaso itong Kuya niyang ipis ay hindi siya pinayagan. Doon na lang daw siya kay Tita Keisha kumandong. "Bale ito na pala, Phobos 'yong naging result sa pagpapahirap sa apat. Ikaw, Ms. Beautiful? Gusto mo bang panoorin 'yong video?" aya ni Kanal. Umiling ako, dahil wala ako sa mood. Kung bakit ba naman kasi ako hinila-hila pa ni Phobos, bwesit siya! Rinig ko 'yong malakas na sigaw no'ng mga alalay ni Aizarina dahil nakatodo 'yong volume ng cellphone ni Kanal. Talagang sinasadya nilang magpainggit. "Ano bang ginawa sa kanila? Bakit impit 'yang tili?" tanong ko. Tumingin sa akin si Kanal tapos nagpakawala ng nakakatakot