AMIRA
Tapos na kami mamili at hinihintay na lang namin 'yong dalawa rito sa sasakyan. Hindi sa pagrereklamo pero nakaka-bobo. Pwede naman kasi namin silang hintayin doon bakit nauna-una pa kami?
Kung aircon lang naman ang habol niya, malamig naman sa loob ng mall, marami ring upuan? Pero, ayon, hanggang salita na lang ako sa isip dahil wala naman akong karapatang magreklamo. Hindi ko naman pagmamay-ari ang sasakyan na tinatambayan ko ngayon, at syempre, may hiya pa rin naman ako kahit papaano.
Mahirap pumalag, baka ma-badtrip si bossing. Ipamukha niya pa sa akin na ungrateful ako dahil siya na nga itong nagbayad ng mga pinamili ko. For now.
Hindi ko naman hahayaan na hindi ko mabayaran ang utang ko sa kanya, kaya naman napagdesisyunan ko, na bukas na bukas rin ay magbabakasakali ako sa canteen at mag a-apply bilang helper. Sana nga matanggap, kahit ano, gagawin ko para lang wag magkaroon ng utang na loob sa isang katulad niya.
"Yow! Pasensya na kayo!" bulalas no'ng Crik habang ikinakaway ang kanyang dalawang kamay na punong-puno ng paper bag.
"Bagal, bilisan niyo at anong oras na," iritableng tawag ni Phobos tapos ini-start na niya ang sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok no'ng dalawa, kaagad akong binulabog no'ng Crik. Wala bang preno ang bibig niya? Kita na niyang ayaw ko siya kausap at wala akong interes sa kanya tapos ang lakas pa rin ng loob niyang magtangka.
"Saan ka namin ihahatid, Ms. Amira?" nakangiting tanong nito. Kahit hindi ko siya lingunin alam kong abot-tenga ang lapad ng labi niya. "Sa langit, pwede ba?" pilosopo kong sagot. Nanahimik bigla ang kupal na ikinatuwa ko.
'Niyan, ipagpatuloy mo 'yang pananahimik hanggang mamaya,' bulong ko sa likod ng aking isipan.
"Sungit mo naman Ms. Amira. Tingnan na lang natin bukas kung makatanggi ka sa alok ko, o kaya rito kay Deimos," mayabang na lintana nito.
Nagkasalubong ang kilay ko sa kanyang tinuran dahil anong akala nila? Magpapatihulog ako katulad doon sa mga walang utak na babaeng isinisigaw ang mga pangalan nila? Asa siya! Maayos ang tuktok ko, wag niya akong maano-ano dyan!
Nilingon ko ito habang nakangisi. Sana naman kilabutan siya sa pinagsasasabi niyang bwesit siya dahil hindi ako titiklop at matutulad sa kung anong iniisip niya sa akin.
"Ano bang iaalok niyo? Pera ba? Kung pera aba, luluhod pa ako sa harapan niyo kung sakali. Pero kung iba, magpakamatay ka na lang dahil hindi iyon mangyayari," taas noo kong tugon.
Nakipagsukatan ako ng titig kay Deimos dahil naagaw niya ang aking atensyon. Kung kanina, napakaliwanag ng mga mata nito, ngayon naman ay para silang malalalim na balon.
Tsss, balatkayo ka pa lang bwesit ka! Akala ko hindi ka katulad ni Phobos pero mukhang nagkamali ako.
"Amira, umayos ka ng upo." Natigila ako sa pagtitig kay Deimos dahil sa utos ni Phobos. Kahit labag sa loob, mabilis akong sumunod sa kanyang sinabi dahil gaya nga ng sabi ko kanina, may utang ako sa kanya. Pero bago ko iyon gawin, isang malutong na irap ang ipinabaon ko roon sa dalawa sa likod.
Sa awa ng Diyos naging matahimik naman ang aming byahe. Unang inihatid si Crik at ngayon naman ay si Deimos na ang bababa ng sasakyan.
"Ingat dude. See you tomorrow," huling paalam ni Phobos bago lumayas ang kanyang kaibigan.
The moment na kaming dalawa na lang ang nasa loob, isang mabigat at malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko dahilan para kumunot nang labis ang noo ni Phobos. Binalingan ko siya ng tingin na animo'y nagtatanong kung may problema ba siya sa ginawa ko.
"Bukas, wag mong asahan na sasaklolohan kita kapag pinag-pyestahan ka ng mga mag-aaral. Kaya hangga't maaari, itago mo ang pagiging normal mo sa loob ng Saint Augustus Academy," babala nito. Hindi ko naintindihan kaagad ang sinabi nito dahil bumulaga kaagad ang tanong na bakit sa aking isipan.
Anong pinagsasasabi niya? Hindi ba sila normal na nilalang katulad ko?
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong. "Malinaw ang pagkakasabi ko. Kung hindi mo nasundan, kasalanan mo na iyon," malditong sagot nito. Umiling ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwala sa kanya.
Tsss! Wala man lang namana sa kanyang mga magulang! Nakakaurat!
Paniguradong pinaglihi siya ni Tita Keisha sa sama ng loob kaya ganyan ang ugali niya.
"Pagkarating natin sa bahay, mag-impake ka na kaagad dahil maaga kang aalis bukas. Kapag nasa school ka na, wag na wag mong sasabihin kahit kanino na magkakilala tayo, dahil malilintikan ka sa akin. Wag ka ring magkakamaling gumawa ng kahina-hinalang hakbang kung sakaling magkita man kayo ni Elijah sa SAA. Pagsasabihan ko siya mamaya na wag na wag kang kakausapin kapag may ibang taong nakapaligid at dahil ikaw ang mas matanda, ina-assume ko na mag-a-adjust ka," taas noo nitong ani.
Umikot ng 360 degrees ang aking mga mata dahil ngawa siya nang ngawa wala naman akong maintindihan. Ano naman kung magkikita kami ni Elijah sa school? Masama bang kausapin niya ako?
Masyado siyang maraming alam sa buhay.
"Oo na lang ang sagot ko. Masyado kang praning. Chillax. Sabihin mo lang na ayaw mong makita ang pagmumukha ko hindi 'yong ang dami mong dinadada d'yan. Idadamay mo pa 'yong bata sa alibi mo. Imbes na sabihin ang totoo, mas pinipili mong magkasala. Wag kang mag-alala, naiintindihan ko. Kapag narinig ko na 'yong mga tilian ng mga tao, magtatago na agad ako para hindi mo makita ang kagandahan ko," balagbag kong sagot.
Dahil sa kahibangan ko, halos masubsob ako sa unahan ng sasakyan dahil sa malakas na preno nito ni Phobos. Anak ng tipaklong na tinubuan ng tahong! Gusto niya ba akong burahin sa mundo?
"Ayusin mo ang tabas ng bunganga mo. Masyadong masebo," mayabang na tugon nito.
Umawang nang kaunti ang bibig ko dahil hindi ba siya marunong mag-take ng joke? Langya!
"Sabi ko nga, 'di ba? Masyado kang high blood d'yan!x labas sa ilong kong bulalas. Hindi ako nito tinantanan at mukhang tutunawin niya talaga ako sa kanyang nakakatakot na mga titig. Kinilabutan ako nang bonggang-bongga dahil ngayon lang ako nakakita ng gano'ng klaseng titig. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako tinaasan ng balahibo dahil sa mababaw na dahilan.
Tumagal ang nakakamatay na katahimikan ng mga tatlong minuto bago niya ulit paandarin ang sasakyan. Hanep, gulat ako na naigilid niya kaagad ang sasakyan. Pinaharurot niya ito na kulang na lang, eh, lumipad kami. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at nanalangin na kung may balak man talaga si Phobos na tapusin ang buhay ko sa takot, sana ay bangungutin siya ngayong gabi at sunduin ng kanyang dakilang ninuno sa impyerno. Dahil kung hindi, ako na ang magpi-presinta na hablutin ang kanyang kaluluwa palabas sa kanyang katawan.
Nakaluwag lang ako nang mainam pagkatapos ng isang minuto. Laking pasalamat ko dahil pagmulat ko ng mga mata, buhay pa naman ako.
"Pakibitbit na rin no'ng mga pinamili ko," mabilis niyang utos bago bumaba ng sasakyan at dumire-diretso sa loob ng malaking bahay.
Isang watdapak ang bumagsak sa lupa dahil hindi ko na kinakaya ang kayabangan ng anak ni Tita Keisha. Pasalamt siya't malaki ang utang na loob ko sa mga magulang niya dahil kung hindi iatatapon ko sa harap niya 'yong mga pinamili ko at lalayas na lang.
Bumuga muna ako ng isang mabigat na buntonghininga bago bumaba at kunin 'yong isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, p*tanginang sampung paper bags!
"Lakas talaga ng apog!" dismayado kong asik habang padabog na kinukuha 'yong mga pinamili namin.
Pinilit kong ikalma ang aking sarili bago pumasok sa pinto. Mahirap na, baka nakaabang si Elijah, mapansin niyang nakakunot ang noo ko.
Mas lalo akong nainis noong pagpasok ko, wala man lang tumulong sa akin. Like, hello! Ang dami kong bitbit tapos ni isa, wala man lang nagpresinta? Hindi naman siguro malabo ang mga mata nila para hindi makitang nahihirapan ako, 'di ba?
"What are you waiting for? Iakyat mo na 'yan dito. Wag ka nang umasa na may tutulong sa iyo dahil binalaan ko na sila," mayabang na lintana ni Phobos na nakapameywang pa habang nakadungaw sa kawawa kong kalagayan.
Hngg! Sarap takbuhin ng kupal at sabunutan!
Dahil nga ang sabi niya, walang tutulong sa akin. Isang maasim na ngiti ang ibinalandra ko sa harap ng mga katulong nila tapos nagsimula nang bagtasin 'yong nakapagarang hagdan.
Hindi ako maaaring magreklamo dahil hindi ko ito pamamahay, hindi ko pa kayang matulog sa labas ng kalsada at mas lalong hindi ko maaatim na bumalik doon sa dati kong bahay dahil paniguradong papatayin ako ni daddy.
Labis na pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi kumunot ang aking noo at magmukhang mabait pa rin habang tinutunaw ako ni Phobos gamit ang kanyang mga mata.
Sa wakas naman, pagkatapos ng limang minuto, amen! Limang minutong pagtitiis, nakarating din ako sa tuktok at ugh! Nanggigigil akong nakipagtitigan sa mga mata ni Phobos.
Tang*na mo! Isa kang malaking surot sa buhay ko!