AMIRA "Mag-iingat kayo, mom. Paki-kumusta na lang din po ako kina Tita Keisha," paalam ko as I wave my hand dahil nagmamadali silang umalis. Hindi namin alam ni Phobos na may ganap pala ang mga family namin tonight. Maybe another reunion. Isang taon na rin ang nakakalipas no'ng last nilang dinner date together with their other friends na kasalukuyan ding nagta-trabaho sa Underground. "Kayo rin! Iuwi mo bukas ang anak ko, Phobos!" pahabol ni mom. Talagang kumapit pa siya sa pinto para makita ang reaksyon ni demonyo. "Makakaasa po kayo, tita," sagot nito and then lumarga na ang mga magulang ko. Kakarating lang namin sa bahay. 20 minutes na lang mag-aala siyete na. Salamat sa maraming detour nitong kumag na 'to. Dumaan kami sa plaza para kumain ng kwek kwek, nag-stroll na rin tapos nagchis

