Ang araw ay mabilis na lumipas ngunit luha sa mga mata, hindi pa rin kumukupas. Anim na buwan na ang nakakaraan matapos ang malagim na trahedya ngunit hindi pa rin matamo ni Shane ang kaginhawaan. Kasalukuyan pa ring walang malay si Amira dahil sa tindi ng tama sa ulo na tinamo nito. Wala siyang ibang ginawa araw-araw kung hindi ang magdasal na sana'y ipagkaloob sa kanya ng Maykapal ang hiling na kagalingan para sa kanyang Anak. At sa wakas, sa araw na ito, mukhang dininig na ng Diyos ang araw-araw nitong pagsamo. AMIRA Ang ingay... Ang liwanag... "Amira!" rinig kong tawag ng isang ale sa aking gilid. Kumunot ang noo ko habang inililibot ang mata sa paligid. "Nasaan ako?" tanong ko sa kawalan ngunit wala akong nakuhang sagot. Pinagkumpulan ako ng ilang Nurse, 'yong ale sa gilid ko, p