XYMOND LYH Malakas na tugtog kasabay ng masayang tawanan, iyon ang pumuno sa malaking bahay na dati'y itinuturing kong una kong kulungan. Masaya kaming nagk-kwentuhan nina Crik, Hayashi at pati na rin si Rose. Ngunit ang kaligayahang nadarama ko ay hindi buo dahil inaalala ko ang kalagayan ni Kuya. After niyang magkamalay, dalawang linggo lang ang nakakalipas after ilipat ng ibang Hospital si Amira ng kanyang mga magulang, ito kaagad ang hinanap niya. Ang pangalan ni Amira ang una niyang binaggit. Hindi alam ni mommy noon kung paano niya ipapaliwanag kay Kuya ang lahat. Dahil sa kasunduan na pinag-usapan nila ni Tita Shane, hindi pwedeng sabihin ni mommy ang totoo, at dahil doon napilitan siyang magsinungaling. Hanggang sa makauwi sa bahay, hindi tinatantanan ni Kuya ang paghahanap ka

