ZCHICK APOLLO 2 hours before "Zchick? Are you okay? May hinihintay ka bang importanteng tawag?" tanong nitong kasamahan ko. Binalingan ko siya ng patay na tingin. "Get lost." Tumayo ako't lumipat sa kabilang cubicle. Ilang minuto pa ba ako magtitiis para mapuntahan ko na si Amira? "Nandito ka pa rin, Zchick? OT ka na kagabi, hindi ba? Seryoso kang bubuuin mo 'yong 300 hours sa tatlong linggo. Grabe tibay mo talaga." Tumango lang ako tapos hinayaan itong dumaldal nang dumaldal. "E-Excuse me," paalam ko dahil akala ko aalis lang siya kaagad pero mukhang gusto niyang tumambay para kausapin ako. Huminga ako nang malalim at lumabas na lang. Limang minuto na lang at mag-aala singko na. Pwede na siguro ako mag-time out. Habang papunta sa locker para kunin ang time card, biglang nag-vibrat

