AMIRA Maaga akong binulabog ng liwanag ng araw. Charot! Hindi talaga ako nakatulog dahil sa pasabog na iniwan ni Deimos bago niya ako tulugan kagabi. Naghahanda na ako kasi babalik na ako sa apartment ni Phobos. Isang araw palugit at ngayon, kailangan na muling maging alipin. "Mon cheri, may pirma na ba 'yong waiver mo? Ipapasa na 'yon ngayon," sabi ni Deimos. Natigilan ako sa pagpunas ng towel sa mukha ko kasi hindi nga natuloy 'yong pag-uwi ko sana. "Ahm, hindi, eh. Uuwi kasi dapat ako kahapon, kaso nga ayon may mga papansin na sumira ng plano ko," tugon ko. Kaswal kaming mag-usap ano? Parang hindi umamin ang kumag. Wala lang, pero maganda na ang ganito, hindi ako naiilang. "Ihabol natin ngayon. Ihahatid kita sa inyo para mapapirmahan mo," alok nito. Umiling ako kasi nakakahiya. T