SHANE "Sino po dito 'yong magulang ni Amira Bethany?" tanong no'ng Doktor na kakalabas lang. Kaagad akong tumayo tapos lumapit sa kaniya. Katabi ko si Keisha at sa gilid naman nito ay si Venus. "Ma'am, tumawag po sa amin 'yong St. Therese Hospital po, nag-request sila na ita-transfer daw po si Amira doon, tama po ba?" magalang nitong tanong. Tumango ako tapos bumalik ang kanyang tingin sa record nito. "Papayagan ko po kayo since naoperahan naman na po si Amira. Bale, kailangan lang pong maghintay ng mga isang oras pa po dahil naka-schedule po 'yong pagturok ulit ng anesthesia sa anak niyo ngayong 7 pm po. Okay lang po ba sa inyo iyon? Kakatapos lang po kasing kuhaan ng bone marrow nito sa likod at nagwo-worry po ako na baka ma-worn out 'yong anesthesia sa katawan niya kapag ibinyahe nga